Outing

25 2 0
                                    

Kahapon, tumawag si Riz sa akin. Kakausapin daw ng Mama niya ang Mommy ko. Nagkausap nga sila. Matagal.

Tungkol pala iyon sa naudlot naming swimming noong April 5. Nagplano ang mga magulang ni Riz na ituloy ito. Nagkasundo naman sila ng nanay ko.

Kaya, summertime ngayong araw!

Dalawang pamilya.

Tig-tatatlong miyembro.

Ayos! Parang pinagtagpo.

Tuwang-tuwa si Riz. Alam ko ring thankful ang mga magulang niya sa mga magulang ko dahil pinagbigyan sila. Simple lang naman kasi ang bagay na iyon. Maliit na bagay.

Sa resort, kain lang kami nang kain pagkaahon sa tubig. Unti-unti na ring nabubuo ang pagkakaibigan ng dalawang pares ng mag-asawa. Parang matagal nang magkakakilala.

Walang nagbanggit ng tungkol sa rape o kaya kay Leandro. Ang moment na iyon ay para lang sa kasiyahan, bonding, at pagkakaibigan. Masasabi kong na-enjoy ng bawat isa sa amin ang outing na kanina.

"Kung parati tayong ganito..." simula ni Riz. Nasa swimming pool kami. "Mabilis kong malilimutan ang masalimuot na pangyayari sa buhay ko."

"Oo. Sana. At sana rin kahit walang bonding ay mabilis kang maka-get over."

"Tulungan mo ako, Red." May halong pagmamakaawa ang kanyang pakiusap niya.

Tumango lang ako.

"Kapag mag-isa ako, hindi ko maalis sa isip ko ang kahayupan ng demonyong 'yon."

"Time heals. Ang importante, unti-unti mo nang natatanggap ang nangyari. Kaya mo 'yan, Riz. Nandito lang ako."

Biglang napatitig siya sa akin, na tila may masabi akong maganda sa kanyang pandinig.

"Talaga, Red? Salamat! Salamat!"

Naku, nakapag-promise ako nang wala sarili ko. Patay! Baka umasa siya. Sabagay, iba-iba naman ang kahulugan ng 'Nandito lang ako.'

Samantala, wala pa rin kaming kibuan ni Jeoffrey kagabi sa bar. Hindi rin nagparamdam si Dindee maghapon. Kapag nagtagal ang ganitong sitwasyon, hindi malayong mawalan ako sa kanya ng amor. Gano'n ako, e. Matagal ko rin siyang sinuyo. Kahit hindi ko kasalanan, ako ang nagso-sorry. Nakakasawa rin pala.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon