Garter

20 3 0
                                    

Maayos na nairaaos ang kasalan. Naka-survive ako sa suot ko. Sabi nga ni Sharon, 'kering-keri' ko raw at bagay na bagay kami. Naging laughingstock tuloy kami.

Lakas ng trip ng kinakapatid ko. Pansinin na nga ako, lalo pa akong napansin dahil sa kanyang pagpapansin. (Ang labo!)

Nang ihahagis na ng bride ang bouquet, pinakiusapan niya ang mga single na huwag nilang saluhin dahil siya raw ang susunod na ikakasal. Nagtawanan uli ang mga bisita. Naging kenkoy na tuloy ang usapan. Idagdag pa ang ginawa niyang pagbulong sa mga single na lalaki at mga abay, maliban sa akin. Alam ko na ang binulong niya. Kaya nga ako ang nagtanggal ng garter sa binti ng bride.

Palakpakan na may kasamang tawanan at hiyawan ang nangyari nang pinagpares kami ng host. Pinasayaw kami ng sweet music. Tuwang-tuwa ang lahat, pati ang mga tatay namin. Ang mga buwisit, kinilig pa.

Game naman ako. Hindi ko ipinakitang naaasar ako. Iyon lang pala, e. Kaso, may sumigaw ng ng 'Kiiiss!'

No choice kundi, ikiss ko siya. Sa cheeks lang.

Kakaibang experience! Worth it.

Alas-nuwebe ng gabi nang nakauwi kami sa bahay. Imbes na tungkol sa kasalan ang pag-usapan namin, nagkuwento si Mommy tungkol sa usapan nila ni Dindee sa cellphone.

"Hindi rin ako magso-sorry sa kanya, Mommy. Hindi ako nagkamali sa kanya. Patigasan po kami." Pagkatapos, pumasok na ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Nalumbay ako. Hindi ko kaagad nahubad ang mga suot ko sa pag-abay.

Kalahati ng puso ko ay magsasabing mag-sorry ako.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon