Suwerte

15 3 0
                                    

Alas-nuwebe na ako nagising, nakilamay kasi ako kagabi. Sumama rin ako sa paglibing, kaya alas-kuwatro na ako nakauwi sa bahay.

Sobrang pasalamat nga sa akin ang nanay ni Jeoffrey dahil sa mga pisikal at pinansiyal kong tulong. Masaya naman ako sa ginawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong sa kapwa.

Kaya lang, hindi kompormi si Daddy sa ginawa ko. "Suwerte ng kaibigan mo sa 'yo. Hindi ka lang nakilamay, nakiramay ka pa nang husto. 'Pag nagkasakit ka sa puyat at pagod, sigurado akong hindi ka niya maaalagaan.''

May punto si Daddy, kaya nga hindi na ako kumibo. Sumubo na lang ako nang sumubo ng pagkain. Kaya lang, sana naunawaan niya na ang pagtulong ay isang mahalagang bagay para sa magkaibigan. Mabuting kaibigan ako, hindi lang kay Jeoff, kundi sa lahat.

Nang naramdaman kong hindi na galit sa akin si Daddy, naki-bonding ako sa kanya sa panunuod ng pelikula sa cable. Ayos na!

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon