Solusyon

23 2 0
                                    

Sa canteen, kinuwento ko kay Riz ang sinabi ni Dindee na kalimutan ko na siya. Hindi siya umimik, pero alam agad siyang tumingin sa akin. Makahulugan. 


"Handa na akong kumawala sa kanya, Riz.." sambit ko habang inuubos niya ang kanyang softdrinks.


Nagpunas siya sa kanyang mga labi bago nagsalita. "Pag-isipan mo ang mga bagay na gagawin mo. Hindi maganda ang nakakapanakit ka ng babae.." 


Naging speechless ako sa tinuran niya. Hindi ko agad maarok ang kahulugan niyon.


"Ilang araw ko na itong ipinag-isipan, Riz. Ilang araw.. Linggo at buwan na rin kaming walang pormal na komunikasyon ni Dindee.." Tumingin muna ako sa grupo ng estudyante na parating baka naroon si Fatima. Wala siya. "Sa tingin mo, okay pa kami?"


"Ayusin mo. Hindi maayos ang problema kung isa pang problema ang gagawin mo.."


"Hindi naman problema ang gagawin ko. Solusyon.." 


"Solusyon? Solusyon ba ang kumalas ka sa kanya nang ganun na lang?!" Napataas yata ang boses niya kaya nagtinginan sa amin ang ibang naroon. 


"Ewan ko. Hindi mo ako mauunawaan ngayon.."


Lumayo na kami sa lugar na iyon at hindi na kami muling nakapagbukas ng ganung usapan dahil naging subsob na kami sa mga lessons. Ceasefire din yata si Fatima. Patingin-tingin na lang sa amin.


Pusong-babae pa rin talaga ang gumagana sa katawan ni Riz. Ayaw niya na may kapwa-babaeng masasaktan. Pero, hindi niya alam, nasasaktan din ako sa ginagawa ni Dindee kaya dapat na sana siyang hiwalayan. 


Pero, paano ko mapapatunayan kay Riz na hiwalay na kami? 


"Dee, sabihin mo uli sa akin na talagang ayaw mo na. Please.. Kailangan kong malaman." Iyan ang PM ko kay Dindee. Sana bukas ay may reply na siya. Mas matutuwa ako kapag negative ang sagot niya. Para ito sa amin ni Riz. Siya naman talaga ang first love ko. Hindi ko na siya pwedeng pakawalan pa. 


BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon