Break

19 2 0
                                    

Break

Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa sa reply ni Dindee. Aniya, break na kami. Nag-sorry pa siya. Sinubukan ko namang mag-type ng reply, pero ilang beses lang akong nag-delete. I end up with no comment.

Masakit. Nasaktan ako. Ganoon na lang kasi para sa kanya ang ilang buwan naming relasyon. Ni hindi ko alam ang dahilan niya. God knows, hindi (pa) si Riz ang dahilan. Out siya rito. Distance. Tama. Distance nga ang dahilan. Nakakapanlamig nga ang layo.

Napansin ni Riz ang katahimikan ko, pilit ko mang itago. "Wala na kami ni Dindee," sabi ko.

"Mahal mo pa siya?"

Nag-isip ako. Mahal ko pa ba? "Hindi naman kami nag-away, e. Wala naman sana kaming dahilan para maghiwalay."

"Ang tanong ko... mahal mo pa ba?!"

Tiningnan ko siya. May kislap sa kanyang mga mata. Naghihintay siya ng anumang sagot mula sa akin.

Kumibot ang mga labi ko. "A... May... may iba na akong mahal."

Bumitiw ako sa pagkatitig sa kanya. Hindi ko pa kayang sabihing siya ang mahal ko.

Parang narinig kong sinabi niyang 'Okay.'

Dapat ko na nga munang pag-aralang wala na si Dindee bago ako magtapat kay Riz. Mahirap ipagsabay ang kabiguan at muling pag-ibig.

ffffff֛'e

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon