Peace Be With You

18 3 0
                                    

"Simba tYo, Red. SmhaN mko," text ni Riz, alas-sais pa lang ng umaga. Naalimpungatan tuloy ako.

"Nxt tyM n lnG, Riz. NpuyAt aq kgbi s gig."

"Sus! Pg s tugTugan, game k. Pro pg s Dyos, hndi."

Parang nakonsensiya tuloy ako. Tama naman siya.

"Sn b tyo mgccmbA?" Napilitan ako.

Naisip ko, mas matinding sakit ang naranasan niya, pero hindi pa rin siya natinag sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Siya pa ngayon ang nagpapaalala sa akin na dapat lagi akong magpasalamat sa mga biyayang natatamo ko araw-araw.

"Red, salamat, sinamahan mo ako." Tinapik pa niya ang kamay ko.

Nagsesermon na noon ang pari, kaya pabulong akong sumagot. "Welcome! Bakit hindi mo pala kasama ang parents mo? Bakit ako? I mean... 'di ba, dapat family day ngayon?"

"Mamaya pang hapon, e. Gusto ko kasi ngayong umaga. Saka, gusto kong..."

"Ah, kami rin. Mamaya pa sana magba-bonding."

Wala na kaming kibuan hanggang matapos ang misa.

Sabi ng pari, batiin daw namin ng 'Peace be with you!' ang mga katabi namin. Ginawa namin. Nakakatuwa si Riz kasi parang gusto niya pang makipagbeso. Siguro nasanay siya sa magulang niya.

Matapos ang misa, niyaya ko siyang mag-lunch.

"Sana lagi tayong ganito, Red," turan niya, pero nahihiyang tumingin sa akin.

Hindi ako nagsalita. Ngumiti lang ako, pero parang hindi niya yata napansin.

"Hindi ka ba masaya na kasama ako?" Inangat na niya ang paningin niya sa akin.

Nagkatitigan kami.

"Masaya, pero hindi naman tayo puwedeng ganito palagi. Alam mo naman 'yon, 'di ba?"

"Oo, alam ko... Okay na ako sa ganito." Uminom muna siya ng softdrink. "Masaya ako kapag kasama ka. Sa tindi ng pinagdaanan ko, nababawasan iyon pag nakikita kita. Sana naunawaan mo ako."

Nginitian ko siya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung alam niya lang... Masaya naman ako kapag magkasama kami, pero may taong nalulungkot.

Hanggang ngayon nga, hindi pa rin kami okay. Malabo na yatang mag-sorry siya sa akin. Ang alam ko lang malinaw na hindi ako yuyukod sa pagkakataong ito. Pinangako ko na iyan sa sarili ko.

Kung hindi siya magso-sorry sa loob ng isang linggo, ibig sabihin ay sinuko na niya ako. Kapag nangyari iyon, wala na rin akong magagawa kundi isuko siya.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon