Caption

27 2 0
                                    

"Gusto ko sa first year anniversary natin, magpapakuha tayo ng pictures sa studio... together. Gusto mo rin ba 'yon?" Hinarap niya pa ang mukha ko sa mukha niya. Nakaharap kasi ako sa computer. Nag-a-upload ng mga shots niya.

"Oo naman, gusto ko rin! Nice idea."

"Yehey! Thank you!" Tapos, dinampi niya pa ang lips niya sa lips ko. Mabilis lang, kaya hindi ko naramdaman.

"Pakiulit nga."

"Ito, gusto mo?" Itinaas niya ang kanyang kamao.

"Huwag 'yan. Masarap masyado 'yan!"

Nagtawanan kami.

Those were the days, 'ika nga. Nakakatuwang alalahanin ang mga masasayang samahan namin ni Dindee, pero nalungkot akong bigla habang nakatitig ako sa larawan ni Riz.

Siya ang dahilan ng away namin. Siya na madalas biktima ng maling pagseselos –siya, na walang kamalay-malay.

Bakit nga pala ang selfie picture niya ang una kong nakita sa FB? Ang ganda pa naman niya ngayon. Idagdag pa ang caption niya na: "Excited to be with him, everyday."

Yay! Parang ako ang tinutukoy niyang 'him.' Kasi ako ang makakasama niya araw-araw sa PNU. Magkaklase kami.

Natuwa ako. Wala namang masaya kung ma-excite siya. Hindi naman kami magkaaway. Nagkakasundo kami sa karamihang bagay. At sa totoo lang, excited na rin akong pumasok dahil sa kanya. Iba na kasi ang may kasama o kakilala ka na pagpasok mo sa kolehiyo oara hindi ka na mai-intimidate sa iba. Malakas ang loob mo dahil dalawa kayo.

Gusto kong mag-comment sa post niya. "Who is he?" Tinype ko na, pero hindi ko na ginawa, baka lalong hindi kami magkabati ni Dindee.

Mamaya sa MusicStram, kakantahin ko ang tatlong malulungkot na kantang OPM gaya ng 'Paalam Na.' Kung paalam na nga ito, para kay Dindee ang kantang ito.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon