Wholesome

26 2 0
                                    

Nag-text kami ni Dindee ng kalahating araw bago sila nagpunta sa beach. Ininggit lang ako. Naalala ko tuloy last year ang swimming namin. In-imagine ko rin ang suot niya. Siguro ay napakasexy niya sa red two-piece swimsuit. Sayang!

'Di bale... Ilang araw na lang ay bibiyahe na ako patungo doon. Excited na nga kaming pareho. Si Jeoffrey naman ay gustong sumama. Kung may pera nga lang akong extra, ililibre ko na lang siya. Kaso, baka kapusin kami. Isa pa, hindi siya papayagan ng bandmates niya dahil mape-pending ang gig nila.

Kaninang hapon, nakipag-chat sa akin si Riz. Nag-upload din siya ng mga pics namin sa Cavite, noong nag-swimmimg kami. Mabuti na lang, hindi niya in-upload ang picture naming dalawa na nasa pool kami. Alam niya sigurong magagalit na naman sa akin ang girlfriend ko.

Kahit marami kaming pics na magkasama, wholesome pa rin dahil kasama namin ang mga magulang namin.

Hindi naman ako pinatulong sa pagpapaayos ng CR namin. Napaka-spoiled ko talaga. Naggitara lang ako. Hindi na nga ako hiningian ng pambili ng tiles, hindi pa tumulong. Tamad ko talaga... Hindi na rin.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon