Bilangguan

34 2 0
                                    

Naghahanda kami ng mga gamit at pagkain para sa swimming namin sa Cavite nang tumawag si Riz. Umiiyak siya.

"Red... si Leandro," aniya.

"Ano si Leandro?" Nataranta rin ako.

"Nahuli na siya."

"Mabuti 'yan! Bakit ka umiiyak? 'Di ba, dapat maging masaya ka na?"

"Kinakabahan pa rin ako, Red. Nasusuklam ako sa kanya. Gusto ko siyang~"

"Riz, huminahon ka. Maging panatag na ang loob mo dahil tapos na ang pagtatago niya."

"Puwede mo ba akong samahan? Gusto ko siyang makita."

Pumayag akong samahan siya. Kinansela namin ang family outing para lang sa request niya. Sasama rin sina Mommy at Daddy upang personal na makaharap ang taong nagpabugbog sa akin. Gaya ni Riz, galit na galit din sila kay Leandro.

Iyak nang iyak ang nanay ni Leandro nang madatnan namin sa police station. Imbes na magalit ang mga magulang ko, awa na lang ang umiral. Pinayuhan pa nila, ngunit kakasuhan pa rin siya at ang kanyang mga kasamahan ng frustrated murder. Rape naman ang ikinaso nina Riz sa kanya, ngunit, dahil menor de edad siya, hindi muna siya makukulong.

Nakalapit naman si Riz kay Leandro, kaya sampal at tadyak ang inabot niya. Inawat lamang siya ng mga pulis.

"Napakahayop mo! Sana dumating na ang araw ng pagkakakulong mo!" sigaw ni Riz. Nangangalit siya. "Kulang pa 'yan. Dapat sa 'yo mabulok sa bilangguan!"

Matigas si Leandro. Parang hindi siya nasaktan. Hindi nagsalita, pero nakangisi pa.

Niyakap na si Riz ng kanyang ina, na lumuluha na rin. Panay naman ang paghingi ng apology ang mga magulang ni Leandro sa amin.

"Napatawad ko na po siya... pero dapat din po siyang managot sa batas," sagot ko naman.

"Salamat!" turan ng ina.

Pagkatapos ng ilang minutong pirmahan, nagpasalamat at nagpaalam na si Daddy sa mga pulis na nakahuli at nag-asikaso ng kaso. Binigyan din nila kami ng garantiya, na hindi na uli makakapanggulo si Leandro.

Dahil may inihanda kaming pagkain, niyaya na lang ni Mommy sa bahay ang mag-anak ni Riz. Sumama naman sila. Parang selebrasyon daw iyon, anila.

Napasarap ang kuwentuhan ng mga magulang namin tungkol sa mga nangyari. Tapos, napag-usapan din nila kami. Bagay raw kami. Muntik na nga lang masambit ng nanay ni Riz ang salitang 'rape'. Na-gets ko kaagad.

"Wala naman pong problema. Si Riz pa rin naman po siya," sagot naman ni Mommy.

Kami ni Riz, pinagkasunduan naming mag-move on na lang sa bangungot na iyon. Mahirap nga lang, pero sisikapin namin. Sabi ni Riz, sobrang sakit na mawala ang pagkababae niya. Aminado naman akong mas masakit ang nangyari sa kanya kaysa sa pagkakagulpi sa akin.

"Gawin na lang nating aral at alaala ang lahat, kahit masakit," dagdag ko pa.

"Red... may magmamahal pa kaya sa akin?" seryosong tanong ni Riz.

Tinitigan ko muna siya. "Oo naman... May mga lalaking hindi tumitingin sa nakaraan. Gaya ko."

"Sana... Sana, Red."

Alas-sais na ng hapon sila umuwi. 

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon