Hinuha

27 3 0
                                    

Hindi pa rin ako naniniwalang gay si Jeoffrey. Isa pang test ang dapat kong gawin. Kaya, buong araw kong pinagana ang utak ko. Hindi ko na inabala si Roma. Tapos na ang papel niya. Saka, ayaw ko namang ibigay ang kapalit na gusto niya. 'Di bale na.

Naisip ko si Gio, pero hindi puwede. Parang hindi niya ako matutulungan. Kapag ligawan ang pag-uusapan o iuutos ko sa kanya, mabilis pa 'yon sa alas-kuwatro. Forte niya 'yon, gaya noong hinarana ko si Riz sa parke.

Gabi na nang maisip ko si Karryle. Siya ang pumasok sa isip ko dahil siya ang unang maapektuhan kapag totoo nga ang hinuha ko.

Tinext ko siya. Siyempre maligoy muna ako. May mga ginamit akong salita na 'What if?'

Tumawag siya. "Uy, hindi, ah... Kung nararamdaman mo man 'yan, baka nagkakamali ka lang. Wala akong nakitang lambot sa kanyang pagkilos at pananalita," depensa ng pinsan ko.

"Ilang araw lang ba kayo nagkasama?"

Hindi siya nakasagot.

"Ako ang madalas niyang kasama. Huwag kang magalit sa akin. Hindi naman kayo, e," dagdag ko pa.

"Hindi naman ako nagagalit. Nagtataka lang ako sa 'yo kung bakit sinisiraan mo siya sa akin. Magkaibigan kayo, 'di ba?"

"Oo... Concern lang ako sa 'yo... Pero, sige, kung ayaw mong makipagtulungan sa akin... Sana huwag mo na lang sabihin sa kanya na pinaghihinalaan ko siya. Ikaw na ang bahala kung paniniwalaan mo ang gusto mo. Sorry din."

Okay lang daw. Hindi naman daw siya magsusumbong.

Later, nag-text siya. "Cuz, blitaaN mko pg 2too nga. Tnx!"

Nag-reply ako ng 'lolz.' Akala ko, hindi pa siya mag-aalinlangan.

Kahit ayaw niya akong tulungan, alam ko na ngayon ang dapat kong gawin. Kakausapin ko siya. Siguro kailangan ko pa munang pag-isipan ang mga salitang gagamitin ko. Sensitive din kasi si Jeoffrey. Ayaw kong mag-away kami dahil hindi niya ako naunawaan. 

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon