Brainy

22 3 0
                                    

Sa ikaapat na araw naming pagpasok, hindi lang ang ganda ni Riz ang napapansin ko, kundi pati ang kanyang katalinuhan. Na-impress niya kanina ang dalawa naming professor. Na-impress niya rin ako.

Kung dati, rivalry ang naghahari sa aming puso, ngayon, iba ang nararamdaman ko. Hindi ko na siya kalaban.

"Ibang-iba ka ngayon," sabi ko sa kanya nang patungo na kami sa next period namin.

Bago pa siya makasagot, isang pagbati mula sa aming kaklase ang natanggap ko. "Hello, Red!"

"Hello, Fatima!" bati ko rin, kasabay ang matamis kong ngiti.

Nang makapasok na kami ni Riz sa room, tahimik siya. At dahil wala pa si Ma'am, sumenyas siya na magsi-CR siya.

Ilang sandali ang lumipas, lumapit sa akin si Fatima at ang tatlo pa naming kaklase.

"Uy, Red! Matagal na ba kayo? Bagay kayo," ani Fatima.

Ngumiti lang ako sa kanila. Ayaw kong sabihing hindi kami. Ayaw ko ring sabihing kami.

"Brainy ang jowa mo, Friend. Ingatan mo baka maagaw sa 'yo," biro ni Andrea, na maarteng magsalita.

"Hoy, grabe ka namang magpayo! Close ba kayo?" Tirada naman ng isang chubby girl na may nunal sa ilong.

"Hindi pa! Bakit?" Nameywang pa si Andrea.

"Umayos kayo diyan. 'Di na kayo nahiya sa pogi naging classmate," turan naman ni Fatima.

Saka naman ang pagdating ng professor naming, kaya nagtakbuhan sila pabalik ng kani-kanilang upuan, maliban kay Fatima na tumabi sa akin.

Nang dumating si Riz, hindi siya umupo sa tabi ko, na bakante naman. Naisip kong si Fatima ang dahilan.

Yikes! Heto na naman kami ni Riz. Parang last year lang ay ganito rin kami. Bakit kasi laging may mga babaeng asungot?

Hindi siya nakipagsabay umuwi. Mauna na raw ako. Yari na.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon