Out of Reach

19 3 0
                                    

Hindi ko na kinaya ang pagkamiss ko kay Dindee. Naalala ko siya habang maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Nakikita ko siya roon. Pati nga ang pabango niya ay naaamoy ko.

Tinext ko siya. "Hello, Dindee! Miss na kita."

Muli kong inalala ang mga araw na masaya kami sa kuwarto, habang naghihintay ng reply niya. Kung paano niya ako kulitin. Kung paano niya ako lambingin. Nakaka-miss...

Isang oras ang lumipas, ni 'Hu u?' wala!

Nag-load ako ng pantawag. Agad ko siyang kinontak.

Out of reach.

Nakakalungkot.

Nagpalit na siguro ng number, naisip ko.

"Musta, Jeoff? musta kyA c Dndee? Ngttxt p b kau?"

Isa rin si Jeff. Hindi rin nag-reply. Saka, antagal pa niyang sagutin ang tawag ko.

"Wala na akong komunikasyon sa kanya," sagot niya. "Oo... Siguro nga nagpalit na ng number."

"Sige, salamat! Usap na lang tayo mamaya sa bar. Papasok na ako."

"Ayos! Balik gig ka na? Matutuwa niyan si Boss."

Nagduda ako sa sinabi niya. Parang may ibang kahulugan. "Bakit naman?"

"Ah... e... siyempre, business."

Bahala nga siya. Bahala na rin si Dindee. Wala na akong magagawa kung ayaw niya na ako.

Pero, sa totoo lang, apektado ang pagpa-practice ko. Nalulungkot ako sa nangyari sa amin. Hindi ko kayang tanggaping balewala lahat ang mga pinagsamahan namin ng ilang buwan.

Si Karryle ang last resort ko. Tinext ko siya. Bagamat, hindi sila madalas magkita, nagkaka-text daw sila. Nagpalit na nga raw ng numero. Ibinigay niya nga sa akin.

Pagkatapos, nauwi Rin kay Jeoffrey ang usapan naming magpinsan. Sabi niya, hindi na raw siya nito tini-text. Kahit alam ko ang dahilan ng panlalamig ng kaibigan ko sa kanya, hindi ko sinabi. Bahala na sila. May sarili akong problema.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon