Back Out

17 3 0
                                    

"Hello?!" Si Sharon ang tumawag.

"Hello, Red! Kumusta? Tinext kita. 'Di ka nag-reply."

"Wala akong load. Sorry." May load talaga ako. Ayaw ko lang mag-reply. Kinukuha kasi akong abay sa kasal ng kuya niya. Kapalit daw ako ng partner niyang nag-back out.

"Okay lang. Ano? Pumapayag ka ba?"

"Kasi... Sha, hindi ko alam kung~"

"Huwag kang mag-alala, tinawagan na ni Papa ang Daddy mo. Payag naman daw siya, kaya lang ikaw pa rin daw ang huling magdedesisyon. Don't worry rin kasi may isusuot ka na. Magkasukat kayo ng dati kong partner... Ano?"

Pinilit niya pa ako hanggang sa napa-oo ako. Tuwang-tuwa siya. Ako naman ay hindi man lang nakaramdam ng excitement. Kapag pala hindi mo gusto ang gagawin mo, hindi ka man lang makadarama ng tuwa.

Ayaw ko siyang maging partner kasi nararamdaman kong gusto niya ako. Lalong ayaw kong mapalapit sa kanya dahil parang pinagkakasundo kami nina Daddy at Ninong. Ayaw ko ng gano'n.

May 25 ang sakalan, este kasalan.

"Dad, pumayag ka po pala na maging abay ako sa kuya ni Sharon... Sana po nalaman ko muna." May konting panunumbat ang sinabi ko, but in a good way.

"Oo, Red! Sorry, ang kulit, e, saka wala namang problema, 'di ba, Mommy?" Ngumiti pa siya.

Nainis akong lalong nang tumango at ngumiti rin si Mommy. "May sakit ako sa May 25. Back out na ako." Tumalikod ako at pumasok sa kuwarto ko.

"Uy, Red, 'wag mong hilingin 'yan. Baka magkatotoo. Walang mag-aalaga sa 'yo. Wala si Dindee," ani Mommy. Sinundan niya ako hanggang sa pinto ng kuwarto ko. "Bawiin mo 'yon, Anak. Bawiin mo."

Natawa na ako. "Oo na po! Binabawi ko na."

"E, 'di... pumapayag ka na, na maging abay?"

Tumahimik ako. Naalala ko si Dindee. Selosa pa naman 'yon. Bahala na, naisip ko. "Wala na po akong magagawa. Pumayag na po si Daddy, e."

Nagtawanan ang mga magulang ko, kapagdaka. Naisahan na naman ako. 

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon