Distance

24 3 0
                                    

Hindi man gaanong marami ang customer kagabi nang tumugtog o nag-tandem kami ni Jeoffrey, nagustuhan naman ng mga naroon ang performances namin. He never fails me. May ibubuga talaga siya. Sabi nga ng lead vocalist ng banda niya, muntik na siyang talunin ni Jeoff. Nagbibiro lang siya, pero sa tingin ko totoong biro.

Ang sarap tulungan ni Jeoffrey, nagsusumikap kasi. Nang nag-text nga kami ni Dindee, sabi niya ay hikayatin ko raw na ipagpatuloy niya ang pag-aaral nito. Tutal naman daw ay gabi naman ang trabaho niya at ilang oras lang.

"Oo nga, 'no?! Sige, hayaan mo, gagawin ko 'yan," sagot ko. Nabanggit ko rin ang pag-aaral niya.

Desidido na raw talaga siya. Medyo nairita nga sa tanong ko. Paulit-ulit daw ako. Nag-sorry na naman ako kahit wala namang masama sa ginawa ko. Haist! Ang hirap talaga! Ang labo niya lagi. Big deal ba 'yon? Nagtatanong lang naman ako.

Bahala nga siya! Kung ayaw na niya akong makasama sa bahay, ayos lang. Siyempre, kami pa rin naman. Distance lang ang hadlang.

Kanina, habang nagpa-practice kami ni Jeoffrey, tinanong ako ni Mommy. "Red, hindi ka ba napapagod? Supposedly, bakasyon mo, pero naghahanapbuhay ka. Hindi mo naman kailangang~"

"Ayos lang naman po. Masaya naman po ako... kami!" Tinuro ko pa si Jeoffrey, pagkatapos nginitian niya si Mommy.

"I mean, baka gusto mong i-consume ang summer sa pagre-relax."

"Hindi na po... Galing na po kami sa Aklan, 'di ba po? Okay na po 'yon. Hindi ba, Jeoff?"

Nagulat si Jeoffrey. "Ah... Opo! Okay na po 'yon. Trabaho naman po."

"Saka, nag-iipon po kami ni Jeoff. Ako po ay may gustong bilhin. Siya po ay gustong mag-aral uli. 'Di ba, Bro?!" Hinampas ko pa ang binti niya kasi nagtataingang-kawali siya.

Ikinagulat niya iyon. Hindi siya nakapagsalita. Napakamot lang sa batok.

"Mabuti 'yan, Jeoff. Ang edukasyon ang isa sa mga pinakamakapangyarihang sandata sa buhay. Ipagpatuloy mo... Walang rason para hindi ka makatapos. Maraming paraan."

Tumango-tango lang siya. At pagkaalis ni Mommy, tawa ako nang tawa.

"Ayan! Masabi, masabi, ha? Wala nnag bawian," sabi ko.

"F**k you! Lakas mong mangtrip."

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon