Dirty Finger

22 2 0
                                    

Araw-araw akong nabibighani kay Riz. Sa bawat pagkikita namin, lalo niya akong napapaibig. Wala ring oras na hindi ko ninais na sana ay kami na. Nakakainip ang bawat pag-ikot ng oras. 


Bakit ba ako nagmamadali? Hindi naman karera ang pagmamahal. Isa itong puno na dapat alagaan upang yumabong, mamulaklak at mamunga.


Si Riz ang tanging babae ngayon sa puso ko. Wala akong ibang hangad kundi ang maipagpatuloy namin ang naudlot na pag-ibig. Walang sinumang makakasira niyon ngayon.


Kahit si Fatima...


Litsugas ang babaeng 'yun! Umali-aligid na naman sa amin kanina habang naggigitara ako't nagha-hum. Pero di siya umubra sa dedma powers namin ni Riz. Tumalikod na lang siya, kabuntot ang mga alalay na tanga. Ang lakas naman ng tawa ni Riz nang makalayo sila ng ilang hakbang. Dirty finger naman ang iginanti niya. Ayos lang dahil cool pa rin ang bebe ko. Nag-flying kiss siya kay Fatima. Ayos! Lumalaban na siya. 


Gusto ko sana siyang batiin sa pagiging palaban ngayon, kundi lang tumawag si Jeoffrey. Nag-resign na raw siya sa BlackSticks at kay Boss Rey. Dagdag pa niya, panahon na para magbagong-buhay. Tapos, niyaya niya akong mag-apply sa isang bar sa Quezon City. May vacancy raw. 


"Ang layo, Bro!" angal ko.


"Ayaw mo yata, e... Di wag na.  Akin lang naman... e, baka gusto mo lang. Naunawaan naman kita dahil... dahil estudyante ka. Sige.." Pinindot na niya agad kaya nawala siya. Naasar yata. Pero parang gusto ko ngang subukan. 


Bahala na, naisip ko. Tapos, sinabi ko iyon kay Riz. Ang sagot niya, "Kung gusto mo talagang kumita, kahit malayo, susubukan mo. Pero sana huwag maapektuhan ang studies mo. Iyon naman ang priority mo di ba?" 


Tumango ako at nginitian siya. 



BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon