Sakto

19 3 0
                                    

"Sakto!" sabi ko nang sinipat ko ang sarili ko sa salamin.

"Oo nga! Parang sinukat sa 'yo," wika naman ni Sharon.

"Mabuti 'yan, hindi na tayo magpapa-repair," ani Daddy.

"Mabuti pala, si Red ang nakuha nating kapalit do'n sa nag-back out," anang ama ni Sharon.

"Kaya nga po... At nagkita pa uli kami." May kakaibang kilig akong nakita sa pagbigkas niya.

May sinabi pa ang magkumpare, na mas ikinakilig ni Sharon. Hindi ko lang narinig kasi busy ako sa pag-practice kung paano maglakad ang isang abay. First time ko, e.

Hapon na kami pinauwi ni Ninong. Nag-inuman pa kasi sila. Kami naman ni Sharon ay nagkuwentuhan lang.

Ang kulit niya. Pinagkuwento ako ng mga love life ko. Halos hinalukay niya ang buhay ko.

"Ayan, ha, open book na ako sa 'yo. Sana magkuwento ka rin ng love life mo," biro ko.

"Hala! Huwag na. Boring ang buhay ko. Wala akong kuwentong kasingganda ng sa iyo."

"Bakit naman? Lahat ng pag-ibig, worth remembering."

"Basta... Saka, hinahanap ko pa ang tunay kong pag-ibig."

Hindi na ako nangulit.

"I think nahanap ko na siya."

Nagtaingang-kawali ako. Nagpindot-pindot ako sa cellphone ko.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon