Kalog

27 2 0
                                    

"Tuloy ka pa ba sa Aklan, Red?" tanong ni Mommy habang nag-aalmusal kami.

Nasamid pa ako bago ako nakasagot. "Hindi pa po ako nakabuo ng limang libo."

"Ang tanong ko kung tutuloy ka pa?" Tumawa pa siya.

Natawa rin si Daddy. "Ang sunod niyang isasagot, alam mo?"

"Ano?" ani Mommy.

"Hindi pa kami okay ni Dindee."

Napuno ng tawa nila ang kusina. Pinagtripan na naman nila ako. Umagang-umaga, e.

"O, Anak, nasagot ba namin ang tanong mo?" Ang kulit ni Mommy ngayon.

Natawa rin tuloy ako. "Opo! Very good po kayo." Gusto ko sanang iliko ang usapan, kaya lang kailangang malaman nila ang mga plano o ang nasa isip ko. Iyon ang pangako namin sa isa't isa. "Since, okay na kami ni Dindee, kagabi pa... tutuloy po ako. Siguro next week na. Ilang tugtog pa sa bar."

"Ha?!" Nagulat ako sa reaksyon ni Daddy. "'Di ba puwedeng sa Mayo na. Hihiramin ko ang pera mo. Pandagdag sa pambili ng materyales ng CR natin bukas. Ipapagawa na."

"Ha?!" Natawa naman sila sa reaksiyon ko. "Bakit?! Akala ko may pera na kayo para dyan?!"

"Red, kulang, kaya hihiramin muna namin sa 'yo ang pamasahe mo. Hindi naman aalis do'n si Dindee."

Naibagsak ko ang kutsara dahil napakamot ako sa ulo ko. "Sorry po." Dinampot ko iyon. "Sige po. Magkano pa ba ang kulang? Puwede naman pong sa July na ako umalis." Bitter ako kahit nakangiti kunwari. Pagkatapos, nag-concentrate na ako sa pagkain ko.

"Ito namang binata mo, Mommy, hindi na mabiro. Ayan, ang haba na tuloy ng nguso," ani Daddy.

Nagtawanan pa sila.

"Niloloko n'yo na naman ako, e!"

Tawa nang tawa ang dalawa.

Pumunta ako sa salamin at tiningnan ko ang nguso ko habang makasimamgot. "Hindi naman, e."

Nakakatuwa rin ang dalawa. Parang mga barkada ko lang. Blessings sila sa akin. Ang suwerte ko sa kanila. Kalog na, mababait pa.

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon