Cannot Be Reached

26 2 0
                                    

Cannot Be Reached

Tinatawagan ko si Dindee kagabi, pero cannot be reached na siya. Ang duda ko ay pinutol na niya ang komunikasyon namin. Ang sakit! Hindi man lang niya ako kinausap. Sana narinig niya ang apology ko.

Hindi ako pinatulog ng bagay na ito. Isa pa rin itong palaisipan sa akin. Although, kilala ko na si Dindee as matikising tao, pero ibang-iba siya pagkatapos niyang makauwi sa Aklan.

Kanina, tinawagan ko si Jeoffrey. Baka kako may maibalita siya sa akin. Wala rin pala. Wala na yata siyang pakialam kay Dindee. Hindi na niya kasi magagamit para makuha ako ni Boss Rey.

Next. Si Karrylle naman ang tinawagan ko. Busy rin siya sa pag-aaral. Mabuti na lang at willing siyang pumunta sa bahay ni Dindee sa weekend o kaya 'pag free time siya para makausap niya talaga nang personal.

Nabuhayan ako ng loob.

Sa school, alangan akong makipag-usap kay Riz. Ayaw ko munang ilapit ang puso ko sa kanya. Kailangan ko muna kasing isara ang puso ko para kay Dindee. Kailangan kong magpakalalaki.

ffff%e

BlurRedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon