Minsan, may mga bagay na di mo man lang napaghahandaan. Yung di mo man lang inaasahan na darating. Ang masama pa, di ka man lang nakapaghanda dito. Kaya ang nagiging resulta?? Pagkalito.
Pero minsan naman, ang mga bagay na ito ay may magandang epekto. Malay mo, lahat ng di mo naranasan, maranasan mo na lang at an instant.
Maaari ring mag-iwan ito ng isang magandang alaala sa atin. Yung mga alaala na di mo talaga makakalimutan.
Ang tanong nga lang.. HANDA KA BA SA PAPARATING NA PAGBABAGO SA BUHAY MO?
***
Author's note:
Naisipan ko lang i-revise. Seriously, ang gulo po ng story.-____- Sana magustuhan niyo pa rin.:D
***
P R O L O G U E
Isa lamang akong simpleng estudyante na nabubuhay sa isang booooring na buhay.
Yes, boring.
Boring kasi akong tao e. Aral-TV-Aral-TV lang lagi ang daily routin ko sa buhay. Well, not really. Siyempre, may time pa rin naman ako sa family. Yun nga lang, hindi ako yung family-oriented na tao. I mean, hindi ako close sa parents ko, sa mga kapatid. Pero it does not necessary mean na hindi ko sila mahal. Given na siyempre yun!
Boring nga akong tao. Ang saya di ba? Isa pa, nahihirapan akong mag-cope up sa environment. At yun ang gusto kong mabago sa akin. Gusto ko namang magkaroon ng sense ang buhay ko.
Ang hindi ko alam, magsisimula ang lahat ng pagbabago sa buhay ko, sa pagtuntong ko ng 3rd year high school.
Isang karanasang hindi ko aasahan.
By the way, ako nga pala si Justin Rodriguez..
At ito, ang aking kwento..
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)