Chapter 22: Good times
Justin's point of view:
Papunta na ako kina Michael nang tawagin ako ni Adrian. Nakatambay kasi siya sa treehouse nila. Nasa gilid lang ito ng bahay nila, at kitang-kita talaga sa pwesto ko ngayon. Heto, at hinihintay ko siya. Ugh.
"Saan ka pupunta?" hinihingal niyang tanong. Mahilig talaga siyang manghabol, 'no?
"Pinaghintay mo pa ako dito para lang tanungin ako nang ganyan?" Napailing ako. "Sa kaibigan ko sa 10th street."
"Ahh.."
Ugh, adik talaga 'to.-__-
"Mauna na ako, Adrian. Baka hinihintay na ako nun e." Umangkas na ulit ako sa bisikleta ko. Tumango naman siya, saka pumasok na ulit sa gate nila. Mukhang bored ang isang yun.
In no time, narating ko rin ang bahay nina Michael. Ilang linggo rin kasi akong 'di nakadalaw sa kanila. Isa pa, busy daw ang college life niya. Kung sabagay, mas mahihirap ang mga subjects dun.
Sakto namang magdo-doorbell na ako nang lumabas si Yaya Maria. Agad naman niya akong pinagbuksan ng gate.
"O, Justin. Kamusta ka na? Matagal kang 'di nakadalaw ah?"
"Yaya talaga. Ah, medyo naging busy rin po sa school e," sagot ko.
Tumango naman siya saka dumiretso na kami sa loob. Naupo muna ako sa sofa sa living room nila, at natingin sa paligid. May mga bagong vase sa gilid. Ito marahil ang mga dala ng magulang niya.
Maya-maya lang ay tumabi siya sa akin -- na 'di ko napansin.
"Akala ko, mamayang tanghali ka pa pupunta?" tanong niya sa akin. Alas-nueve pa lang kasi ng umaga ngayon.
"Ganito kasi yun, bro. Kung mamaya pa ako pupunta, hanggang alas-dos lang ako. May celebration kasi ang buong section namin," paliwanag ko sa kanya. Sumandal ako sa sofa, at inilagay ang dalawang kamay sa bandang batok.
Tumango naman siya. "Oo nga pala. 'Yan ba yung naikwento mo sa text? Yung deal sa inyo ng class president ninyo?"
"Oo."
Matapos magkamustahan ay pumunta na kami sa kwarto niya. Mag-movie marathon daw kami. Ito lang naman kasi ang bonding namin kapag nandito kami sa bahay nila e. Kung hindi manonood, magsa-soundtrip.
Hindi ko na namalayan na naidlip na pala ako...
***
Michael's point of view:
"Bro, w-wala na--"
Napakamot na lang ako ng ulo nang mapansin kong tulog na pala si Justin. Hahaha! Kahit kailan talaga, napakaantukin. Pinatay ko na ang TV at tahimik na lumabas muna sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)