Chapter 23: Trust Issues [Part 1]

652 39 7
                                    

"I'm your friend, kahit ano pa'ng mangyari.."

 

Chapter 23: Trust Issues [Part 1]

 

Justin's point of view:

 

October 24, 2008

Thank God, it's Friday! Grabe, halos mangarag ang utak ko, kaka-review sa mga subjects namin. Kakatapos lang kasi ng second periodical exams namin, at kinabukasan nga ay simula na ng semestral break namin.

"Mukhang excited umuwi ah?" Si Clay. Napansin pala niya ako.

"Oo e. Saka uuwi ulit kami sa Pangasinan para magbakasyon," sagot ko sa kanya.

Sabay na rin kaming lumabas sa room. Nagpapasama rin siya sa akin sa mall para bumili ng mga christmas deco. Mukhang mag-aayos ata sila this weekend. Since maaga kaming pinalabas, pumayag na rin ako. Si Clay naman ang humingi ng pabor e.

LMAO. Oo na! Dumadamoves na ako!

"Uy!" Napalingon kami ni Clay sa sumigaw. Si Adrian pala, kasama si Gabby.

Huminto muna kami para hintayin sila. Akala siguro nila, sasabay kami sa kanila.

"Ayaw niyong gumala? Nakakatamad pang umuwi eh," pambungad ni Gabby sa amin.

"Timing kayo," sagot naman ni Clay.

Sumabat na rin ako. "Oo nga. Actually, nagpapasama itong si Clay na mamili ng mga christmas decor."

Napa-yes naman silang dalawa, kaya naglakad na rin kami palabas sa school. Halos wala na palang mga estudyante na nakatambay sa school. Sa kabilang banda, nakita ko si Joel na parang may tinataboy na lalaki. Mukhang nag-aasaran sila. Napailing na lang ako habang nakangisi. Mukhang napansin namin ito ni Adrian.

"Kakilala mo yung medyo maliit, 'di ba?"

Tumango naman ako. "Bakit?"

"Mukhang naiinis siya kay Jake ah?" Ngumisi rin siya.

"Nag-aasaran lang siguro sila, Adrian." Ngumiti pa ako.

Tumango naman siya, saka nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

 

***

 

Mall.

As usual, sa Tom's World na naman ang bagsak namin. Masyado kasing mapilit ang dalawang kasama namin ni Clay e. Gusto atang maglaro muna ng arcade.

"Justin, ikaw naman ang manlibre," bulyaw sa akin ni Adrian.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon