Chapter 8: Advices
Michael's point of view:
Sabado.
Maaga akong nagising ngayon. Parang gusto ko kasing magbisikleta sa paligid ng kalye namin. Isa pa, hindi nakakahiya dahil may mga nagjojogging din sa subdivision.
"Anak, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Yaya Maria. Kakalabas lang niya galing kusina.
"Ah, magbibisikleta lang po, Yaya."
Tumango na lang siya saka bumalik ulit sa kusina. Naamoy ko pa ang niluluto niya - sinigang. Napangiti na lang ako. Alam kasi ni Yaya na hindi ako naghapunan kaya dinamihan ang handa. Naku, mukhang mapapasarap na naman ako ng kain. Dumaan muna ako sa parking lot namin para kunin ang bisikleta ko. Nasalubong ko pa si Kuya George, driver namin. Oo nga pala, tatlo lang kami rito sa bahay - ako, si Yaya at si Kuya George. Kamag-anak ni Yaya Maria si Kuya George at nirekomenda niya ito kina Mama at Papa. Mabait naman si Kuya George at sinasamahan minsan ako sa mall.
"Good morning, Michael," bati niya sa akin. Mukhang nililinis niya ang van namin.
May dalawa kaming sasakyan, isang van na kulay puti at isang kotse (Toyota) na kulay asul. Mas madalas naming gamitin ang Toyota, minsan, sa paghatid sa akin sa school, o sa pagpunta sa mall o sa grocery.
"Kuya!" sumenyas lang ako sa kanya. "Kukunin ko lang yung bisikleta ko."
Pagkakuha ay lumabas na ako para magbike. Tama lang yung oras, 6:30 AM. Hindi pa mainit. In fact, malamig na ang panahon. Ber months na rin kasi.
Nasa ikaanim na kanto na ako nang mapagdesisyunang pumunta sa ikaapat na kanto (sa ikasampung kanto naman kami). Ang alam ko, tagarito si Justin. Hindi ko alam kung saan ang eksaktong lugar, kaya medyo nahihirapan akong hanapin. Buti na lang at dala ko ang cellphone ko, kaya tinawagan ko na lang siya. Sinagot naman niya ito sa ikaapat na ring..
"Hmm.. hello?" Mukhang kakagising pa lang niya.
"Good morning, bro."
"O, bro? Napatawag ka?"
"Labas ka, dali. Nandito ako sa kalye niyo."
"HA?! As in? Baka naman ginu-good time mo lang ako ah?!" Halatang napabalikwas siya. Hahaha!
"Bro, kilala mo ako. Hindi ako ganun," natatawa kong sagot sa kanya.
"Geez, ge. Huwag mong ibababa. Mag-aayos lang ako."
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hinayaan ko lang na nakahang ang call. Medyo naririnig ko naman ang mga yabag niya, marahil ay pababa siya. Maya-maya ay nagsalita ulit siya.
"I see, bro. Medyo malayo ka pa. Hanapin mo yung bahay na kulay white ang gate, tapos white din ang bahay. Nasa terrace lang ako." Narinig ko naman na parang may tumunog sa kabilang linya, umupo marahil siya.
Binaba ko na ang call saka hinanap ang sinasabi niya. Tama nga siya. Medyo malayo pa ako. Nakita ko naman agad siya sa terrace nila.
"Akala ko, naligaw ka na e," sabi niya habang pinagbubukas ako ng gate.
"Hindi pa naman, bro. Wow, ang ganda ng bahay niyo," pagpuri ko sa bahay nila.
"Ikaw ba naman ang magkaroon ng nanay na metikulosa. By the way, iwan mo muna yung bike mo riyan sa gilid." Sabay turo sa gilid ng terrace nila. "Sunod ka na lang sa loob."
Matapos kong iayos ang bike ko sa gilid ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. Kung ano ang ikinaganda ng labas nila, ay siya ring ikinaganda ng loob. Nakita ko naman siya sa kusina, mukhang nagmumumog. Nagtingin-tingin muna ako sa paligid. Nakaagaw ng pansin ako ang family picture nila. Kamukha pala ni Justin ang tatay niya. Parehas silang nakasalamin. Maganda rin ang nanay niya, simple lang at mukhang Ilocano. Paano ko nalaman? Ilocano kasi si Yaya Maria kaya alam ko. Apat silang magkakapatid (base sa picture). Ang panganay ay mukhang nasa 24 years old. Ang pangatlo naman ay nasa 10. At ang bunso ay nasa isang taon pa lang.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)