Chapter 6: Hate that I love you

1.8K 74 8
                                    

Chapter 6: Hate that I love you

Trixie's point of view:

Dahil hindi ako pumasok kahapon ay inaagahan ko ang pagpasok ngayon. Kailangan ko pang kumopya ng assignment eh. Oy, huwag nga kayong magmalinis diyan! Halos lahat naman ng tao, nangongopya din naman. Well, minsan. Ay! Btw, alam niyo na siguro ang mga pangyayari no?

Tama, umiiwas muna ako kay Justin. Ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba between us e. Lol.

Seriously, pwede bang mainlove ang isang tao in a short period of time? Ganyan kasi ang nangyari sa akin eh.

I fell in love with him.

I mean, sino ba naman ang hindi maiinlove sa kanya? Ang bait-bait, ang gentleman, protective, friendly, at gwapo. Kumbaga, pang-dream boy. Kyaah!

Ay oo nga pala. Umiiwas ako sa kanya. Ang landi ko lang talaga. Seriously, ayaw ko ng ganito. Mali eh. Maling-mali.

Unang-una, magkaibigan kami. Hanggang dun lang yun. Isa pa, ayaw ko siyang magmukhang rebound. Bakit? Basta, malalaman niyo rin. Isa pa, kaibigan pa niya yung manlolokong Stephen na yun! Grr!

Hay, I hate this feeling!

"Miss, bababa ka ba o bababa?" masungit na sabi ng driver. Geez, I forgot! Nasa jeep nga pala ako! To make things worst, ako na lang pala ang pasahero.

"A-ah! P-pasensya po." Bumaba na ako. Antipatikong driver yun.=___=

Sakto naman at nasalubong ko sa hallway ang baklang bespren ko na si Joel.

"Teh, okay na ba?" tanong niya sa akin.

"Oo, teh," sagot ko.

Naglakad na kami papunta sa room.

"Ay teh, may nalaman ako sayo." Bigla siyang nagsalita. "Iniiwasan mo ba si Dong?" Si Justin ang tinutukoy niya.

"A-ah! H-hindi no!" Liar. Obvious naman eh.

"Hay nako. In denial pa eh. Tsk. Umamin ka nga, inlove ka sa kanya no?"

Paano nalaman ng baklang ito? O.O That's my top secret!

"H-hindi no!" todo tanggi ko. Ano ako, hilo? Nah uh, hinding-hindi ako aamin.

"Deny pa eh. Nako, umamin ka na. Pramis, hindi ko sasabihin."

Ilang beses niya akong pinilit pero todo tanggi pa rin ako. Selfish kung selfish, pero wala talaga akong balak aminin.

Saved by the bell, wala nang nagawa si Joel kundi sumunod sa akin papunta sa room. Naku, maeencounter ko na naman si Justin! Kinakabahan kasi ako kapag nandyan lang siya sa paligid eh. Ang masama pa, naaamoy ko yung pabango niya - meaning, malapit lang siya sa paligid. Naku, bahala na nga.

"Ready ka na sa report mo, pards?"

"Oo naman."

Napabuntong-hininga na lang ako nang makilala ko ang boses ng kasama niya. Sino pa ba? Eh di yung walanghiyang Stephen na yun! >_< Pumasok na ako agad sa room. Saka nagsimulang gumawa ng assignments.

***

After ng MAPEH class namin ay agad kaming umalis ni Joel para maglunch. Since umiiwas nga kami kay Justin-- I mean ako, sa canteen na lang kami kumain. Hindi kasi nagagawi rito si Justin eh. Ayaw niya raw ditong kumain ng lunch dahil crowded daw at maingay. Mas prefer niya ang ambiance ng cafeteria.

"Ang OA na sa pag-iwas, teh?" kumento ni Joel. Nasa counter kasi kami ngayon.

"Ano ba, Joel!"

"Makasigaw?" He smirked.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa harap. Matapos umorder ay bumalik na kami sa pwesto namin.

"Ay nakalimutan nating humingi ng straw!" Oo nga pala. Sa sobrang sabog ng utak ko, nakalimutan kong humingi.

At dahil may lahing gentleman itong kasama ko.. "Teh, ikaw na ang kumuha. Masakit na ang paa ko eh."

Matapos kumain ay pumunta na kami sa next subject namin, which is Filipino. Buti naman at nakalimutan na ni Joel ang pangungulit sa akin. Actually, wala namang nangyaring kakaiba ngayong araw na ito. Kumbaga, normal and boring day. After ng last subject namin, which is Geometry ay nagmamadali na kaming nag-ayos.

At kung minamalas ka nga naman..

"Trixie, Joel." Si Justin. Naku, ito na nga bang sinasabi ko eh. Kanina ko pa napapansin ang mga pagtingin-tingin ni Justin kanina sa klase. Nagtataka na ata siya eh.

"J-Justin," kalmadong sabi ni Joel.

"Magpapasama sana ako sa inyo sa palengke. Okay lang ba sayo?" tanong niya sa amin. Naku, okay lang naman, dong!

Kaso iba ngayon eh. Hay.

"A-ah, h-hindi ako pwede, dong eh. May a-aayusin pa a-ako. Kayo na lang ni Joel," palusot ko.

"A-ah ako rin d-dong. Actually, u-uuwi si Dad ngayon. K-kilala mo naman yun d-di ba?" Si Joel.

Parang nalungkot naman si Justin sa narinig. Naku, pasensya ka na, Justin.:(

"Ganun ba? Okay lang, sige ingat kayo. Bye," he waved his hand then naglakad na siya paalis.

Kami ni Joel >>> tulala

"Nakita mo yung expression niya, dong?" tanong ni Joel sa akin. Nakokonsensya ata siya.

Tumango na lang ako. Hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako. Shet! Ayaw ko ng ganito eh! Nakakainis ka kasi, Justin. Bakit napakabait mo! Iyan tuloy, nafafall ako sayo.:(

"Trix, okay ka lang? Naku, tama nga ang hula ko," napapailing na sabi ni Joel. Naupo naman siya sa tabi ko at pilit akong pinapatahan.

Nakakainis na love naman ito eh! Maiinlove na nga lang, dun pa sa maling tao. Kung sana, sasaluhin ako ng taong yun? Hindi naman eh.:(

Inamin ko na rin kay Joel ang lahat-lahat. Kung paano, kailan at saan nagsimula. Shet, napapaluha na naman ako.

"Teh, ganun talaga. Minsan, naiinlove tayo sa taong alam nating hindi naman tayo sasaluhin. Mabait si Justin, alam naman natin yun. Kaya hindi natin siya pwedeng sisihin dito." Magkayakap pa rin kami ni Joel. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. Ganun pala yun? Gumagaan ang pakiramdam mo kapag nailalabas mo ang mga bumabagabag sayo?

"Dong, ano'ng dapat kong gawin?" medyo naluluha ko pa ring tanong.

"Ikaw lang ang makakaisip ng paraan, dong. Ang tanging magagawa ko lang ay ang suportahan at tulungan ka sa anumang desisyon mo," nakangiti niyang sagot.

Napagdesisyunan na lang naming iwasan muna si Justin, kung maaari. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa walang kwentang pag-ibig na yan. Nakakainis, dalawang beses na akong nasasaktan nang dahil diyan!

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon