Chapter 3: Nerd? Feeling gangster?

2.8K 98 24
                                    

Chapter 3: Nerd? Feeling gangster?

Justin's point of view:

Almost three months na rin ang nakalipas at ngayon nga ay September na. Grabe, pinaghahandaan talaga ng mga tao ang Christmas. Sabagay, 'Christmas capital' ng Pilipinas ang Pampanga. Lalo na yung tinatawag nilang 'Giant Lantern Festival' dito. Naku, naexcite naman akong mapanood yun!

*knock! Knock!*

Napahinto ako bigla sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Agad naman akong tumayo para pagbuksan yun, which is si Mama pala. Naku, mukhang galit na naman siya.

"Hay nako ka talaga! Mag-aalas nuebe na pero hindi ka pa rin nakakapag-ayos?! Mahuhuli ka na sa klase mo," sigaw niya sa akin pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto. Akala ko nga, si Godzilla na yun e. Hehe. Joke lang.

Pero.. holy sht! Sa sobrang pag-iisip ko at paghahanda para sa report ko sa English, nakaligtaan ko na yung oras! Agad akong napapunta sa banyo nun para maligo. Inignore ko na lang ang pagbubunganga ni Mama sa labas. Sht lang, hindi ko napansin ang oras. Saglit na pagligo na lang ang ginawa ko nun, tutal naligo naman ako kagabi. Okay na siguro yun. Well, I guess?

Parang ipo-ipo ako sa kamamadali. After 25 minutes ata ay natapos din ako. Agad akong tumakbo nun palabas. Pero bumalik din ako. Nakalimutan kong humingi ng allowance, sht. Takbo-lakad na rin ang ginawa ko para makarating nang maaga. Buti na lang at may dumating na rin na jeep. Naupo ako sa harap. Puno na raw kasi sa likod. Nakatabi ko pa nga yung nakabunggo ko dati e. Deep inside, nagka-cram na ako. Yung report kasi yung hinahabol ko e.

Nang makarating sa school ay agad na akong bumaba para makahabol. Ten minutes pa naman bago magsimula ang English namin.

Oh wait--- bakit parang may sumusunod sa akin? Agad akong napatingin sa paligid, particularly sa may bandang likod ko. Wala naman. O sadyang magaling lang magtago yun? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, pero sht lang. May sumusunod talaga e! Mas lalo ko pang binilisan ang paglakad at nagtago ako sa isa sa mga puno. Para nga akong tanga dun e.

Oh sht--- siya?! I mean, yung lalaki na nakatabi ko kanina? Yung parang nerd na, ah sht. Bakit ko ba siya dinedescribe?! Brr, bigla akong kinabahan kaya tumakbo na ako. Sinusundan niya talaga ako, tumakbo rin kasi siya e. Agad naman akong nakahanap ng mapagtataguan -- sa library. Good thing is, hindi niya ako napansin at naglakad na lang somewhere. Sht lang, disguise niya lang ba yung nerd-look na yun? I mean, gangster ata siya? O member ng fraternity? AH! Kinakabahan ako!

"Huy!"

"AHH!" agad akong napasigaw sa gulat. Yung pakiramdam na, nakadungaw ka sa bintana at tinitignan kung babalik pa yung mukhang nerd na yun tapos may biglang gugulat sayo? What the fck.

Narinig naman namin yung librarian na nag-ssh. Buti na lang, hindi niya alam na ako yung sumigaw. Tsk.

"Ano bang ginagawa mo riyan? Para kang may tinataguan," tanong sa akin ni Joel. Yes, siya yung nanggulat sa akin, kasama si Stephen.

"May tinataguan nga ako. Sht lang, may mga fraternity pala rito?" Halata naman ang pagkagulat sa mukha nila. What's with my statement? O.o

"Ha? Pards, walang ganun dito. Matagal na," sagot naman ni Stephen.

"E meron nga e!"

"Whatever dong. Baka stalker mo lang yun?" Joel rolled his eyes.

Seriously? Yung sound pa lang na may stalker ka ay nakakakilabot na! Brr.

"Teka, bakit nandito kayo--- ay pota! Late na ako! May report pa pala ako!" Tatakbo na sana ako nang hawakan ni Stephen ang balikat ko.

"Hindi ka talaga nagbabasa ng gm. Tsk. Tsk. Tsk." -- Stephen.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon