A/N: Hi guyth! This chapter is a way different sa mga naunang chapters. May eksena kasi dito ang ClayTin e. PLUS, a father and son moment with Atty. Jacob and Justin. LOL. Pampatanggal umay lang sa 'di matapos-tapos na chaos between Adrian and Justin. K. Ciao! :D
PS: Yung latter part ng chapter na ito ay may english so expect na may mga grammatical errors.XD
READ | VOTE | COMMENT
***
Chapter 29: Enlightenment
Justin's point of view:
Kinabukasan, maaga kaming gumising. May biglaang lakad daw kasi si Michael at kakabasa lang niya ng message ng kaklase niya.
"Ba't ayaw mong i-text na lang si Kuya George para dalhan ka ng gamit dito?" tanong ko sa kanya. Nakahiga pa rin ako nun at kasalukuyang nagbabasa ng mga text messages.
"Sobrang abala na ako sa i--"
Inunahan ko na siya. "Ikaw lang ang nag-iisip niyan, bro. Alam mo namang para ka na naming kapamilya e."
"S-Salamat kung ganun."
Tumayo na ako at bumaba na. Nasalubong ko pa si Mama nun na paakyat. Mukhang gigisingin na si Papa at si Jocelyn.
"Pakibantayan yung niluluto ko sandali, Justin."
Tumango naman ako.
Nang makababa si Mama ay umakyat ulit ako para tignan si Michael. Pinahiram ko na muna siya ng tuwalya para makaligo na siya. Isa pa, baka parating na rin si Kuya George.
"Bro, okay ka na?" tanong ko pagkapasok.
"Oo. Nasa kanto niyo na raw si Kuya George," sagot naman niya habang nagsusuklay sa harap ng salamin.
Bumaba na ako para puntahan si Kuya George at kunin ang mga gamit ni Michael.
"Salamat, Kuya."
"Wala yun, Justin. Sige, mauna na ako ah?"
Tumango naman ako at pumasok na rin. Binigyan ko muna ng privacy ang loko at naligo na rin.
***
"Ma! Una na po kami," paalam ko kay Mama na kasalukuyang naghahain ng agahan para kina Papa at Jocelyn.
"Mauna na po kami, Tita." Si Michael.
"Oo na. O siya, ingat," sagot naman ni Mama.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)