Chapter 39: Sweet 16 [Part 2]

321 14 0
                                    

Chapter 39: Sweet 16 [Part 2]

Justin's point of view:

Friday na ngayon at bukas ay Sabado na nga. Handa na lahat ng dadalhin at susuotin ko para bukas. Dahil nga doon ay nahuli ako ng gising. Kasalakuyan akong naglalakad papunta sa home room namin. Oo na, na-late ako ng gising kaya hindi ako nakapasok sa TLE time.

"Justin!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jake pala. Kasama din niya si Trixie.

"O, Jake. Hi, dong!" bati ko sa kanilang dalawa.

"Hi, dong," anang Trixie.

"Justin, sama ka muna sa amin sa canteen. 'Di ba, 8:30 pa naman next subject mo?" tanong sa akin ni Jake. Napansin ko lang, parang ang saya ng loko.

Tumango naman ako at sumabay na sa kanila papunta sa canteen.

"Trix, kamusta? Parang hindi na tayo nagkakausap ah?" tanong ko kay Trixie.

Napangiti naman siya. "May sinalihan kasi akong contest para sa Values Education Days eh. Alam mo na, busy-busy-han ako." Sabay tawa.

"Edi maganda nga 'yan," kumento ko.

Nag-order si Jake ng hot choco para sa aming tatlo. Nagtaka naman kasi hindi nila kasama si Joel.

"Jake," tawag ko sa lalaki. "Nasaan si Joel?"

"Papunta na yun. Nahuli kasi ng gising kaya na-late. Don't worry, malapit na yun," he assured to us.

Maya-maya ay nakatanggap ako ng text galing kay Clay.

From: Clay Ruby Alonzo <3
Good morning, Justin! :) Pakisabi kay ma'am na hindi muna ako makakapasok ngayon. Alam mo na, naghahanda para bukas. Hihi. Ingat!
PS: Pahiram na lang ako ng notes mo. Haha! :)

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng lungkot sa text niya. Isang araw ko siyang hindi makikita. Hay.

"Oy, ba't lumungkot ka, dong?" tanong sa akin ni Trixie.

"Hindi daw kasi papasok si Clay e," sagot ko.

Napangiti sila sa akin matapos niyon. Nagtaka naman ako. Bakit hindi man lang sila malungkot para sa akin? Tiningnan ko nga sila nang masama. Grabe kasi e. Ang bubuti nilang kaibigan.

"Sorry, pare, pero mukhang in love na in love ka na kay Clay," natatawang dispensa ni Jake.

Hay, dapat talaga, dumiretso na ako sa room e. Kaysa sila ang kasama ko, pero inaasar naman nila ako sa obvious na dahilan. Hahaha! Hindi, biro lang. Hindi naman ako nagmamadali. Mas gusto ko yung slowly pero surely. Mahirap nang magkamali. Baka hindi lang ako ang masaktan.

"Huy! Bakit ka napatulala riyan?" Napakurap na lamang ako nang tapikin ako ni Trix sa balikat.

I just shook my head. "Wala. May naalala lang."

Maya-maya pa'y dumating na si Joel. Mukhang masaya ang loko.

"Good morning, guys," nakangiti niyang bati sa amin. "Good morning, babe." Sabay baling niya kay Jake.

Hindi sumagot si Jake. Instead, bigla niya itong kinabig at hinalikan sa labi. Lahat kami ay nagulat, maski mga personnel sa canteen. Grabe naman kasi iting si Jake e. Masyadong nakakagulat.

"'Yan, masaya na ang umaga ko. Good morning, babe!" Todo-ngiti ang g@go.

Namumula that time si Joel. Halatang hindi pa nasanay sa boyfriend niya. After that, nag-order ulit si Jake ng hot choco para sa boyfriend niya. Dinagdagan pa biya iyin ng fries at cheese sticks. Mayroon pa kasi kaming 30 minutes para makapag-bonding. To be honest, na-miss ko ang mga ito. I mean, nung third year kasi, hindi naman ganito. Parang normal lang ang mga ganitong eksena sa amin. Malamang, magkakaklaae pa kami noon. Ngayon kasi, nag-iba na. Hindi na kami magkakaklase. Iba-iba na ang scged namin, and most importantly, ang mga set of friends na pakikisamahan namin. Ang hindi lang nagbago siguro sa amin ay yung friendship namin. Iyon naman ang mahalaga e. Kung marunong kang magpahalaga ng mga kaibigan, hindi ka nila iiwan. Hindi ka nila gagamitin para sa mga sarili nilang interes. Lalong-lalong, hindi ka nila gag@guhin. Masaya ako kasi napakaswerte ko, in terms of having friends.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon