Chapter 46: The Truth

831 12 0
                                    

Chapter 46: The Truth

Michael’s point of view:

Matapos ang naging bakasyon namin sa Zambales ay hindi na ako nakapag-isip pa nang maayos. Ang dami-daming katanungan na gumugulo sa isipan ko. Isa na rito si Justin at ang naging reaksyon niya noong nalaman niyang aalis na ako. Yes, sa US na ako mag-aaral, sa California, particularly. Nakakalungkot dahil humantong ako sa desisyong ito. Wala eh, mas mahalaga pa rin para sa akin si Cindy. I miss her; badly miss her. Ilang buwan na mula nang huli kaming nagkita. Ilang buwan, na puro lungkot at sakit…

Flashback:

Ilang araw na lang at mag-a-anim na buwan na kami ni Cindy. Ano kayang magandang gawin? Teka, matawagan nga si Justin. Agad naman niyang sinagot ito.

"Hello, napatawag ka?" tanong niya sa akin mula sa kabilang linya. Halatang katatapos lang niyang kumain. Saglit akong napangiti roon.

"Ah, magpapatulong sana ako eh,” medyo nahihiya ko pang sabi.

"Oh? Para saan. Ah wait, alam ko na. May kinalaman ba ‘yan kay Cindy?” paniniguro niya. Ang galing talaga niyang mag-pinpoint.

Napangiti na naman ako. "Bingo! Itatanong ko lang sana kung anong magandang gawin para sa monthsary namin?"

"Simple lang 'yan. Dapat 'yong may significance sa kanya—either the place, the food, or anything."

Ang galing talaga ng best friend ko! Dapat 'yong may significance para mas dama namin pareho 'yong essence ng monthsary namin.

Since tapos na ang mga major exams namin that time ay nagkaroon ako ng mas mahaba pang oras para makapaghanda. I really love that girl, kaya nga nagpapakapagod ako dito. Gusto kong madama ang date namin. Gusto ko na habambuhay, kami pa rin. Mahal ko talaga eh.

Nagpatulong ako kina Yaya Maria para makapaghanda sa sorpresa ko kay Cindy. Hindi ko mapigilang ma-excite sa monthsary namin. Para akong kinakabahan na naeexcite. Ewan ko ba, siguro, ganito talaga kapag first time mo. First time mong magkagirlfriend, at first time mong makipagdate every monthsary. Hay, siya kaya? Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Sabagay, sanay na siguro siya. Napakaimposible namang hindi pa siya nakakaranas magkaboyfriend.

"Anak, nakatulala ka diyan?"

Nabalik na lang ulit ako sa realidad nang biglang lumapit sa akin si Yaya Maria at niyakap ako. Napansin pala niya ang pagiging tulala ko?

"Ah, wala po ito, Yaya Maria. Naeexcite lang po ako siguro," sagot ko sa kanya; pilit na ngumiti nang maayos.

"Ito talagang alaga ko, masyadong excited. Huwag kang kabahan, tingnan mo kung gaano ka na kalaki ngayon? Masayang-masaya ako, kami ng mga magulang mo para sa'yo."

Ang swerte ko talaga at may mga magulang at yaya ako na talagang minamahal ako kahit ano pa ako.

"Yaya naman, nagdadrama pa eh. Tara na po at ituloy na po natin ang pag-aayos."

Kinagabihan, naisipan kong tawagan si Cindy para kamustahin siya.

"Hello Mike!" masigla niyang bati mula sa kabilang linya.

"Hello Babe! How's your day?" pangangamusta ko sa kanya. Buong araw kasi kaming hindi nagkita dahil naging busy ako sa paghahanda sa date namin. Siya naman, sa school.

"Okay lang. Ikaw? Hmm, parang pagod ka ah?"

"Kanina, pero narinig ko na ang boses ng Babe ko eh, kaya okay na ako,” nakangiti kong sabi. Panigurado, namumula na ako nito. Aminado naman ako na may pagka-color changer ako.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon