Chapter 32: Sorry, and Congrats [Part 1]

506 27 1
                                    

"It takes a strong person to say sorry, and an ever stronger person to forgive."

- Unknown

 

---

 

Chapter 32: Sorry, and Congrats [Part 1]

 

Justin's point of view:

Matapos malaman ang 2nd at 3rd place ay tahimik akong lumabas sa auditorium. Kung maaari ay ayaw kong may makapansin sa akin.

"Justin, sandali!"

Napabuntong-hininga na lang ako nang marinig ko si Clay. Sabi ko nga e. Wala akong takas sa kanya.

"Saan ka pupunta? Maya-maya lang ay mag-a-announce na ng mga winners," aniya. Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Lahat ay may kanya-kanyang business na inaatupag. Hindi na nila ako mapapansin kung aalis na ako. Mas mainam na yun, at least hindi kami nagsasama ni Adrian sa isang lugar.

"Sa clinic. Masakit kasi ulo ko e," pagsisinungaling ko.

"Gusto mo--" Inunahan ko na siya.

"I can manage, Clay. Ang mabuti pa, samahan mo na lang si Adrian dito. Nga pala, kung may speech segment, pakisabi na lang ang mga pasasalamat ko sa mga teachers natin, mga organizers, classmates at lastly, ang partner ko. Una na ako Clay." Hindi ko na siya hinantay pang sumagot at naglakad na ako palabas.

Sa ngayon? Gusto ko munang magpag-isa. Gusto ko ng katahimikan. Pakiramdam ko kasi, parang any moment, kusa na lang magbu-burst ang nararamdaman ko -- which is ayaw kong mangyari, especially may makakakita sa akin. Masyadong nakakahiya.

Saan nga ba ako pumunta? Ang alam ko lang, payapa ang lugar na ito. Tama ang lamig na dala ng hangin at malilim ang lugar. Napakatahimik, kahit na may ilan ding mga estudyante ang natatambay dito. Naupo ako sa usual place ko. Inilabas ko ang phone ko para makinig ng kanta. Pampa-relax lang. Para naman hindi ako tuluyang mabaliw dito. Mga isang oras din ata akong natambay dito kaya nagpasya na akong umuwi. Panigurado, nakauwi na rin sina Clay.

While on my way, bigla na lang akong kinabahan. Napansin ko kasi si Adrian sa kanto sa kalye namin. Kung sabagay, tapat naman iyon ng bahay nila. Pero, paano ako makakadaan dun? After ng nangyari kanina, parang nahiya na akong lumapit sa kanya. Parang pakiramdam ko, nakagawa talaga ako ng kasalanan sa kanya.

* beep beep

Napalingon naman ako sa bumusina. Kotse 'to nina Michael ah?

"Bro! Buti naman at nakita kita rito. Papunta na ako sa inyo eh," sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Agad akong sumakay doon. Naku, mukhang blessing in disguise ang pagdating ni Michael.

"Ano namang gagawin mo sa amin?" tanong ko sa kanya.

He offered M&M's na kinakain niya pero tumanggi ako. "Makikitulog. Sabado naman bukas kaya okay lang magpuyat. Isa pa, gala tayo. May gusto akong bilhing libro eh."

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon