Chapter 19: Getting to know with IV - 1B

851 42 7
                                    

Chapter 19: Getting to know with IV - 1B

 

Justin's point of view:

Day two.

Bangag akong pumasok sa school. Hindi pa rin kasi sanay ang katawan ko sa ganito kaagang pagpasok. Kahapon kasi, na-resched ang TLE ko, which is Computer Works and Troubleshooting. Imbes na 2 PM, naging 7:30 AM. Ang nangyari tuloy, kailangan kong gumising ng 6 AM para maligo at mag-ayos ng sarili. Ugh, ang hirap ng ganito.

Nga pala, sa section namin, ako lang ang kumuha ng CWT as my TLE. Mayroon naman akong kakilala dito - si Kevin. Hinila niya ako dito nung nakita niya akong naghahanap ng TLE course. Okay na rin ito, at least bagong environment.

Paalis na ako nang makatanggap ako ng tawag galing kay Michael. Agad ko naman itong sinagot.

"Good morning, bro," bati niya pagkasagot ko pa lang ng tawag. Mukhang masaya siya ah?

"O, mukhang masaya ka?" tanong ko sa kanya. Kahit paano ay nahawaan ako ng pagka-goodvibes niya.

"Umuwi sina Mama at Papa kagabi. Surprise daw nila sa akin," masaya niyang sabi.

Ganyan talaga si Michael. Kapag alam niyang pauwi ang magulang niya, walang mapagsisidlan ng tuwa. Kahit ako, natutuwa sa kanya. Naiintindihan ko naman kasi siya e. Yung pakiramdam na wala ang magulang mo sa bawat achievements sa buhay mo? Nakakalungkot kaya yun! Parang pakiramdam mo, wala man lang nagmamahal sayo. K, humuhugot na naman ako.

"O? Good news pala!"

"Oo nga e. Ah, nga pala, daan ka mamaya dito sa amin. Gusto ka raw nilang makita nang personal." Medyo hindi na siya hyper.

Napangiti ako. "Sure. Ah, mamaya na lang. Nasa main road na ako e."

"Sige, bro."

Siya na ang nag-end ng call. Sakto at may huminto nang jeep. Paakyat na ako nang may tumawag sa akin.

"Justin!" Si Adrian pala. Mukhang hingal na hingal.

"Tara na!" Sumakay na ako at hinintay na siya sa loob. Mabuti na lang at iilan lang ang pasaherong nandun.

Tahimik lang ako sa biyahe. Ganun din naman si Adrian. Mukhang inaantok pa ito. Bakit kaya ang aga niya? Sakto at huminto na ang jeep sa tapat ng school namin, kaya bumaba na kami. Pagkababa na pagkababa ay saka pa lang ako nagtanong.

"Ba't ang aga mo? 'Di ba, 8:30 pa ang simula ng first subject natin?"

"Maghahanap ako ng TLE course ko e. Wala pa akong TLE," sagot niya. Mukhang nakapag-adjust na siya.

"Eh? 'Di ba, mayroon ka na? Creative Arts pa nga ang kinuha mo e," medyo nagtataka kong sabi sa kanya. Paano, wala pa raw siyang TLE.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon