Someday, It’s Going to Make Sense 2: “Restart”
TEASER:
“Justin, bumangon ka na bago ka pa akyatin dito ni Mama. Parang ‘di ka na nasanay doon,” pang-iistorbo sa akin ni Kuya Julius.
Kahit inaantok pa, sinikap ko na ring bumangon dahil baka akyatin na naman ako ni Mama rito. Mahirap na. Pupungas-pungas ako ng mata nang magsalita muli si Kuya.
“Justin, naaalala mo pa ba si Michael? Ang tagal na rin mula nang huli natin siyang nakita, ah? Wala ka na bang balita sa kanya?” tanong niya sa akin, dahilan para mapahinto ako sa aking ginagawa.
Michael? Dapat ko pa ba siyang isipin? I guess, hindi na dapat. Bahagi na lamang siya ng nakaraan na dapat nang ibaon sa limot.
“Huwag na natin siyang pag-usapan, Kuya,” pag-iwas ko kay Kuya.
Palabas na sana ako para maligo nang magsalita siyang muli.
“Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ba siya napapatawad? Sayang naman ang pagkakaibigan ninyong dalawa,” aniya pa.
Napabuntong-hininga na lamang ako noon, saka siya muling hinarap.
“Sino ba ang hindi nagparamdam ng ilang taon, Kuya? Ako ba? Alam mo kung gaano karaming beses kong sinubukang makipag-communicate sa kanya through e-mail and Facebook. May nakuha ba akong reply? Wala. Masyado nang sobra kung hanggang ngayon ay kukulitin ko pa rin siya. Hindi ko gagawin ‘yon, Kuya. Kilala mo ako.”
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)