Chapter 5: Friends?

2K 80 10
                                    

Chapter 5: Friends?

Justin's point of view:

Sinundan ko si Michael. Bwisit na konsensya kasi e. Tama bang ipamukha sa akin na mali ako? Alam ko naman e. Parang nakikipagkaibigan lang yung tao, hindi ko pa mapagbigyan.

Medyo malayo ang bahay niya sa amin. Anim na kanto kasi ang nilakad niya e. Mayaman pala siya. Ang ganda ng bahay - isang Japanese-inspired house. May gazebo pa ito sa bandang gilid. Paano ko nakita? Makikita naman mula sa kinalulugaran ko. Malungkot pa rin siyang pumasok sa loob. Maya-maya ay nakaisip ako ng ideya. Dali-dali akong umuwi sa amin. Kaya nga hingal na hingal akong umuwi sa amin e.

"Naku kang bata ka! Pawisan ka! Magpalit ka na ng damit mo agad!" sigaw ni Mama. Nakita ko kasi siya sa terrace ng bahay, mukhang dinidiligan ang mga halaman niya.

"Opo." Umakyat na agad ako para makapagbihis. Uminom lang ako saglit saka lumabas na.

"Ma, may pupuntahan lang po ako sa ikasampung na kanto." Paalam ko.

"Basta, huwag ka nang magpagabi ha?" Kinuha ko na ang bisikleta ko at nagmaneho pabalik sa bahay nina Michael.

Buti na lang at wala nang tao masyado sa labas. Sa aminin ko man o hindi, naiilang talaga ako sa mga tao rito. Parang ang samang makatingin e. Kidding aside. Nasa harap na ako ng gate nila.

Wow. Parang paradise ang garden nila. Seriously, napakaganda ng landscape nito. Perfect house.

"Ano pong kailangan nila?" Hindi ko napansin na may tao na pala sa harap ko. Masyado talaga akong fascinated sa ganda ng bahay nila.

"M-magandang gabi po. G-gusto ko lang po sanang i-itanong kung dito po nakatira si Michael?" Ang tanga lang ng tanong ko? Tsk.

"Ah, oo. Ano pong kailangan nila?" tanong ulit ng matanda. Mukhang katulong o katiwala siya rito.

"Gusto ko lang po siyang makausap. Kung ayos lang po."

Malugod naman niya akong pinatuloy sa loob. At kung hindi pa tuluyang lumuwa ang mga mata ko sa ganda ng bahay nila? O.o

Seryoso, ang ganda talaga sa loob ng bahay nila! Organized talaga ang mga gamit, at talagang mararamdaman mo talaga ang ambiance ng paligid! Pakiramdam ko nga, nasa Japan na ako e. Naiwan lang ako mag-isa rito sa living room. Tatawagin daw kasi ni Manang si Michael. Naku! Ito na naman tayo e.

"Ehem."

Napalingon agad ako sa likod ko kung sino yun. Naku, si Michael na talaga ito. At mukhang gulat na gulat siya na nandito ako ngayon sa bahay nila.

"Hindi mo pala sinabi sa akin na may TB ka," biro ko sa kanya. Pampatanggal lang ng tensyon sa paligid.

Tsk. Umayos ka, Justin! Nasa teritoryo ka niya.

"Ha? May TV naman talaga kami. Ito," sabay turo niya sa TV na nasa living room. Nasapo ko na lang ang ulo ko sa katangahan niya.

"Tange! Ang sabi ko, TB. As in tubercolosis. Hindi TV na television."

"Maka-tange 'to. Tsk." At nagpout pa talaga siya. Seriously, lalaki ba talaga ang isang ito? He's so.. gay.

"Kalalaki mong tao, nagpa-pout ka. Ang gay lang."

"Ano bang kailangan mo? Paano mo nalaman ang address namin? Hindi ba, ayaw mo namang makipagkaibigan?" sunud-sunod niyang tanong. Hay.

"Relax! Huwag atat! Ang dami mong tanong e. Isa pa, paupuin mo naman ako."

Ang kapal ko lang. Haha!

Nagpanic naman siya. "A-ah! Have a sit. Teka, papakuha lang ako ng meryenda kay Yaya Maria."

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon