Chapter 7: Is it over?
Justin's point of view:
Nakakahalata na ako sa dalawa kong bestfriend ha? Halos isang linggo na rin nila akong iniiwasan e. Puro na lang sila reason. Minsan, naguguluhan na ako sa kanila. Isn't it unfair? Magkakaibigan kami, yet wala akong alam sa kanila. May mga bagay pa akong hindi alam tungkol sa kanila.
Somehow, nakaramdam ako ng konsensya. 'Yong pakiramdam na parang may nagawa kang kasalanan sa kanila na hindi mo naman alam kung ano? Pero malakas ang instinct ko na may nagawa ako sa kanila e.
Nandito nga pala ako sa cafeteria at mag-isang kumakain. Bukod sa iniiwasan nga ako nina Joel at Trixie, hindi pumasok ngayon si Stephen. Oh yeah, ang ganda ng araw ko. Tsk.
"Nandito ka lang pala." Naramdaman ko naman ang pagtapik niya sa balikat ko. Sino pa ba? Si Michael.
"O, ikaw pala?" walang gana kong sabi. Naupo naman siya sa katapat kong pwesto. Napansin ko na may dalawa siyang halo-halo na binili.
"Para sayo," sabay abot ng isang cup ng halo-halo. "Buti na lang at nakita kita bago ako bumili nito."
"Salamat."
Sabay naman naming nilantakan ang bili niyang halo-halo. Wala pa rin akong ganang magsalita that time. Iniisip ko pa rin kasi kung ano ang nagawa kong kasalanan sa dalawa e.
"Bro, may bumabagabag ba sayo ngayon?" tanong ni Michael sa akin. Napansin niya ang pagiging tulala ko.
"W-wala. May i-iniisip lang," ang tangi ko na lang nasagot.
Hindi pa rin niya inalis ang tingin sa akin. Brr! Iyan na naman siya sa pagiging mysterious niya. Dejoke lang.
"Alam ko mayroon, bro. Pwede mo namang ishare e." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Brr.
"Ang gay lang, bro. Hindi ako ganun," I responded.
"Gay? Walang masama sa pagshashare ng problema, bro. Hindi rin magandang sinasarili ang problema lalo na kung nahihirapan kang bigyan ito ng solusyon," nakangiti niyang sabi. Tama nga naman siya.
"Okay lang talaga, bro. Don't mind me," palusot ko. Ayaw ko na silang madamay pa sa problema ko. Para hindi na lumala.
Matapos naming kumain ay umalis na rin kami. Siya, papuntang library. Ako naman, papunta sa next subject namin. Actually, late na ako ng 2 minutes nung pumasok ako. Ngayon pa lang naman ako nalate e. Okay lang naman siguro yun. Isa pa, nagchecheck pa lang si Ma'am ng attendance.
"Good afternoon po, Ma'am. Sorry, I'm late." Paupo na sana ako nang magsalita si Ma'am.
"Justin, pinapapunta ka sa Auditorium. Don't worry, excuse ka na ngayon." Tumango na lang ako saka lumabas na uli.
May seminar nga pala kami ngayon. Nakalimutan ko ito, actually. Masyado kasi akong occupied e. Isa pa, nagrereview din ako para sa quiz bee sa Chemistry. Nang makarating sa Auditorium ay naghanap ako ng upuan. Good thing ay nakita ko si Michael. Kasama pala siya sa mga representatives? Ganito kasi yun: dapat may dalawang representatives per class. Ang kasama ko dapat dito ay si Stephen. Since absent siya ngayon ay ako lang mag-isa ang nandito. Saklap.
"Nasaan yung kasama mo, bro?" tanong ni Michael. Nakitabi na lang ako sa kanya, siya lang naman ang kakilala ko rito e.
"Absent e. Pwede ba akong makitabi sa inyo?" Tinignan ko rin yung katabi niya. Kaklase niya e.
"Sure. By the way, si Kyle nga pala," pakilala niya sa katabi niya.
Nakipagkamay naman yung Kyle sa akin. After that short introduction, nakinig na kami sa nagsasalita. So far, hindi naman boring ang seminar. Nagpapagame kasi sila every 15 minutes (base sa calculations ko). May isang game nga na nasali kami ni Michael e. Sa kasamaang-palad, talo kami. Nevertheless, nag-enjoy naman kami. After ng seminar ay nagpaalam na ako sa kanila. Alas-sais na kasi natapos yung seminar e. Uwian na.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)