Chapter 14: Vacation? Or disaster?

963 49 9
                                    

Chapter 14: Vacation? Or disaster?

 

Justin's point of view:

After graduation of Michael, nagsimula na kaming magplano sa nalalapit na bakasyon namin sa probinsya nina Joel sa Ilocos Sur. Nakapagpaalam na rin kami sa kanya-kanya naming mga magulang. Buti naman at pumayag sina Mama at Papa na sumama ako, provided, hindi kami gagawa ng ikakapahamak namin.

Isang araw bago kami umalis, napagdesisyunan namin na kina Michael na makitulog. Una, para mas makapaghanda nang maayos. Ikalawa, para iwas hassle, since bakasyon at marami rin kaming makakasabay na bakasyunista. At ikatlo, para mas mabigyan ng oras sina Stephen at Trixie para maayos na ang mga naging issue sa kanila.

Nasa labas nga pala ako ng bahay nina Michael ngayon. Tapos na kasi akong mag-ayos ng mga gagamitin namin para sa bakasyon. Isa pa, kakatawag lang ni Papa kanina. Mukhang nangangamusta. Ugh, masyadong tensed lang? Heto na naman ako, at nagmumuni-muni. Gusto ko muna ng peace of mind, kahit ilang minuto lang.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na si Stephen.

"O, ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"E ano pa nga ba? Nganga lang ako dun e," tatawa-tawa niyang sagot. Mukhang out of place sa mga nasa loob.

"Adik ka talaga, pards. Pero, alam kong may dahilan. Spit it out." Malakas talaga ang instinct ko.

"Kasi ganito yun eh.. Alam mo ba yung feeling na.. Ay mali! Basta ang hirap iexplain!! Ah .. ganito siya.. naiilang talaga ako sa sitwasyon namin ni Trix eh." Okay, may naintindihan ako sa sinabi niya. Tsk!

Langya! Kung anu-ano pa mga sinabi, naiilang lang pala!

"Sapakin kita diyan e! Kung anu-ano pa mga sinabi mo!" sigaw ko sa kanya. "Teka, curious lang ako. Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Trixie?" pagdudugtong ko.

Naalala ko, hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Trixie. Naku, para silang aso't-pusa kung magparinigan sa room namin. Okay, si Trixie lang pala. Madalas kasi na tahimik lang si Stephen e - which is maganda nga naman, para maiwasan ang gulo.

Isa pa, curiosity kills a cat. Normal lang ang ma-curious, especially kapag nasa environment lang ang nakakapag-trigger ng curiosity mo. LOL. Oo na, ako na ang maraming sinasabi.

"Pards.." pagsisimula niya. "Mahal na mahal ko si Trix. Hindi ko siya niloko noon. Biktima lang ako ng blackmail." Medyo teary-eyed na rin siya.

"Anong klaseng blackmail naman yun pards?" buong pagtatakang tanong ko.

"Yung ex ko, hindi niya matanggap na wala na kami. Kaya gumawa siya ng paraan para magkabalikan kami. Pards, blinackmail niya ako! Papatayin niya si Trixie pards! Hindi ko kaya."

Hindi na niya natuloy pang mag-explain dahil naiyak na siya. Ugh, kalalaking tao umiiyak!

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon