Chapter 36: Proposal

469 12 0
                                    

Chapter 36: Proposal

 

Justin's point of view:

"Mukhang magiging masaya ang christmas party natin," kumento ni Clay.

Tumango lang ako. Nandito kasi kami sa room at nagpaplano na para sa christmas party na gaganapin sa Biyernes. Lahat ay mukhang excited dahil nga huling party na namin ito rito sa school. Idagdag pa na iba-iba kami ng papasukang kolehiyo.

"Guys, ano'ng gusto niyo? Ambagan na lang sa pagkain o by group ang pagdadala?" anunsyo ni Gabby, na siyang nagli-lead ng meeting na ito.

"By group na lang!" sigaw ng iba sa amin. Mas maganda nga yun. Sa huli ay na-settle na rin ang pagkain. Ang sunod naman na pinag-usapan ay ang tungkol sa mga games. Ang nakakaewan lang, kaming tatlo nina Adrian at Clay ang in-assign dito. Grabe, mukhang magiging busy talaga kami. Ugh.

Matapos ang meeting ay sabay-sabay na kaming lumabas.

"Adrian, Justin, may gagawin ba kayo mamayang TLE time?" ani Clay. Mukhang alam ko na 'to.

"Wala naman," sabay naming untag ni Adrian. Malamang, vacant namin iyon.

Ngumiti naman siya. "Okay! Wala kaming TLE mamaya. Pwede na ba tayong magplano ngayon?"

Tumango naman kaming dalawa. Mukhang excited talaga sila. Ugh, okay. Excited na rin akong magplano!

Agad kaming dumiretso sa canteen para bumili muna ng makakain. Napagdesisyunan kasi namin na sa likod magplano. Ewan ko ba. Naging hangout area na namin ito. Presko rin kasi e. Isa pa, tahimik dito kaya makakapag-relax ka talaga. Tamang-tama at inaantok ako. Makakaidlip talaga ako.

"Mukhang tayong dalawa lang ang makakapagplano ah?" untag ni Adrian.

Alam niya kasing puyat ako. Malamang! Hinayaan niya kaya akong tapusin mag-isa ang powerpoint presentation namin sa Computer class namin! By the way, do'n siya sa amin natulog kagabi. Reporting kasi kami kanina e.

Natawa naman si Clay. "Ikaw kasi eh. Tinulugan mo!"

"Pinagtutulungan niyo ako ah?" Nakitawa na rin ako. Baka akalain pa nila, ang KJ ko.

So yun na nga. Hinayaan muna nila akong umidlip habang sila munang dalawa ang nag-isip. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip pero naalimpungatan na lamang ako sa tunog ng kamera. Pagkadilat, nakita ko sina Adrian at Clay na nagse-selfie. Bigla akong nakaisip ng kalokohan. Mabuti na lamang at malapit lang ang pwesto ko sa kanila. Haha! Ang ginawa ko ay, nag-peace sign ako sa ulo ni Adrian tapos biglang balik sa pwesto. Tulug-tulugan!

"Clay naman e. Ba't mo ako sinungayan?" — Adrian

"Ha? Patingin nga?" ani Clay. "Adik. Mukha bang ganyan kalaki kamay ko?"

"Hmm, kung sabagay."

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon