Chapter 20: Study Buddies

721 41 11
                                    

Chapter 20: Study Buddies

 

Justin's point of view:

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan, at ngayon nga ay August na. Meaning, oras na para mag-aral. First periodical examination na rin kasi next week e. So far, nakapag-adjust na ako sa bago kong environment. May mga ginawa rin kaming performances outside sa school.

"Justin, tulala ka na naman," sabi ni Adrian. Oo nga pala, nasa CWT class kami.

Wala naman kaming ginagawa dito. Hinayaan lang kami ng teacher namin na tapusin ang activity namin sa Visual Basic. Patapos na rin ako rito. Grabe, ang hirap talagang mag-trial and error.

"Tulala sa paggawa nito," sagot ko sa kanya. Tinuro ko pa ang mga formula ko.

Napailing naman siya. "Kaya pala nahihirapan ka. Tsk, tignan mo. Kung anu-ano ang pinaglalagay mo sa formula tab mo."

Ugh, oo nga naman. May punto naman siya. Ang ginawa ko ay binura iyon at pinalitan. After kong ma-input ang bagong formula ay sinubukan kong i-run ang program. Gumana ito, kaya pina-check ko na kay Sir Panlilio ang activity ko.

"Paano mo nalaman ang shortcut dito, Justin?" tanong niya sa akin. May tinuro pa siya sa formula tab ko na hindi ko maintindihan.

"Basta ko na lang po siyang in-input, Sir," sagot ko.

Napangiti lang siya. "Hindi ko tinuro ang shortcut ng VB, pero dahil nakuha mo ay ituturo ko sa inyo next meeting."

Matapos ang klase ay pumunta na kami ni Adrian sa next subject namin. Oo nga pala, dahil sa nangyari kanina, exempted na ako sa major exam. For formality purposes ay kailangan ko pa ring sagutin ang test paper ko sa CWT next week. Rest assured, perfect na ako. Yes! Bawas burden na rin yun! Hassle kayang magreview, especially sa Physics. To be honest, nahihirapan ako dun. Hindi ko talaga hilig 'yang mga Laws of Motion na 'yan. Ugh.

"Justin, tuloy ba tayo sa inyo sa Sabado?" tanong sa akin ni Adrian. Nandito na kami sa room at nakaupo na si upuan namin.

"Yup. Kailangan kong ma-review ang Physics e," sagot ko sa kanya.

Oo, hustler si Adrian sa Physics namin. Actually, silang dalawa ni Carl. Hindi naman ako pinapansin ni Carl kaya kay Adrian na lang ako magpapaturo.

Bilang nakisabat si Clay. "Anong gagawin niyo sa Sabado?"

"Ah, mag-a-advance study kami sa Physics, Clay. Medyo nahihirapan daw kasi si Justin dun e." Si Adrian ang sumagot.

"Oh, I see. Pwede ba akong sumama? Baka makatulong din ako sa inyo," nakangiting sabi ni Clay.

Sino bang makaka-hindi sa napakagandang babae na 'to, na kung ngumiti ay nakaka--- ugh, nakaka-hypnotize?

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon