Chapter 12: Goodbye, Notebooks

985 49 13
                                    

Chapter 12: Goodbye, Notebooks

Justin's point of view:

March 17, 2008

Akalain niyo yun? Ang bilis ng oras at matatapos na ang school year na 'to? Ilang araw na lang at bakasyon na. Ugh, nakakaexcite lang? Bakit? Ang ibig kasing sabihin.. GOODBYE NOTEBOOKS na ako! Mwahaha.

Sa totoo lang, ang daming nangyari sa akin sa loob ng halos isang taon, simula ng lumipat kami dito. I admit, noong una, naiinis ako kina Mama at Papa dahil lumipat kami ng dito sa Pampanga. Ugh, ayaw na ayaw ko kasi na laging nag-aadjust sa environment. Nakakainis lang, kasi hindi ko alam kung paano mag-adopt sa environment nila dito?

Pero, siguro plano na rin ito ni papa God. Kasi simula nung lumipat kami, nagkaroon ako ng mga mabubuting kaibigan na masasabi kong tunay. Nagkaroon ng ibang kulay ang boring kong buhay. Blessing in disguise na rin siguro 'to. Nakilala ko sina Joel at Trixie. Kahit na magkakaiba kami ng personality, masasabi kong hindi kami nag-iilangan sa isa't-isa. Kung hindi dahil sa kanila, hindi siguro ako makakapag-adjust dito.

Isa pa, naging kaibigan ko si Stephen. Nung mga panahon na hindi ako pinapansin nina Trixie at Joel, siya ang lagi kong kasama. Siya rin ang tinuturing kong rival sa section namin. Iyon bang, lagi kaming nagpapaunahan in terms of academics? Pero kahit ganun, hindi kami kailanman nag-away dahil lang doon. Isa siyang mabuting kaibigan para sa akin.

At ang mahalaga, nakilala ko si Michael - si bro. Sa totoo lang, parang magkapatid na ang turing namin sa isa't-isa.  Ugh, isa na rin sa dahilan kung bakit nakaclose ko siya ay dahil sa ang epic ng pagkikita namin. Hindi ko makakalimutan kung paano kami nagkakilala at kung paano niya ako tinutulungan kapag may mga problema ako.

Hay ang bilis ng panahon. Parang kalian lang, ang boring-boring ng buhay ko. Not until I met them - my true buddies.

"Dong, tulala ka diyan?" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang magsalita si Joel. D@mn, ugali na talaga niya na istorbohin ang pagmumuni-muni ko

"Ah wala dong. May inaalala lang," sagot ko sa kanya.

Oo nga pala, nandito kami ngayon sa canteen at kasalukuyang kumakain ng lunch. Kuhanan kasi ng card namin, tapos nagkaroon pa ng awarding. Ako nga pala ang top one ng 4-C. Si Stephen naman ang top two.

Ngumisi naman si Trixie. "Like what, dong?"

Alam ko na, curious ang dalawang ito sa iniisip ko. Naku, hindi ako tatantanan ng dalawang ito hangga't hindi ko sinasabi.

"Naalala ko lang yung unang tapak ko sa school na 'to, dong. Tapos kung paano ko kayo nakilala at naging buddies. Ngayong mag-fofourth year na tayo, hindi na tayo magkakasama." Umamin na rin ako. Alam ko namang wala akong takas sa dalawang ito e.

"Oo nga, 'no? Magkakahiwalay na tayo next school year. Kasi si Joel nag-apply na sa SSA (Special Section for Arts) tapos, ikaw obviously mapupunta ka na sa higher section." Si Trixie. Mukhang malungkot siya sa paghihiwalay ng naming tatlo.

"True. Eh hindi naman tayo pwedeng magsama ulit. Saka pasensya na ah? Nag-SSA ako," may lungkot na sagot ni Joel.

"Ano ba kayo. Hindi naman ibig sabihin na 'di na tayo pwedeng maging magkaklase e tapos na ang pagkakaibigan natin." Oo, ito ang role ko dito - taga-cheer up sa kanila. LOL.

"Dong, baka mamaya niyan, kapag nasa higher section ka na, baka isnabin mo na lang kami," baling sa akin ni Trixie.

Natawa naman ako sa expression niya. Grabe, talagang naluluha siya. Ang drama.

"Dong, you're so dramatic," maarteng sagot sa kanya ni Joel.

Napa-tsk na lang si Trix.

Maya-maya, may nagtext sa akin..

From: Michael

Bro, pupunta kami diyan ni Cindy.:)

"Guys, pupunta raw dito si Michael saka yung nililigawan niya," balita ko sa kanila.

***

After 30 minutes, dumating na si Michael. Kasama niya si Cindy, ang nililigawan niya. Mukhang masayang-masaya ang bro ko. Kung natatandaan ninyo, una ko siyang nakita sa picture sa wallet ni Michael. Siya ang kababata ni Michael na palihim niyang minamahal. D@mn, ang landi ni Michael. Tsk.

(A/N: Next chapter ang story kung paano nagkita ulit sina Michael at Cindy, saka kung paano niligawan ni Michael si Cindy.)

"Bro," bati niya sa akin

"O, Michael. Hi, Cindy!" bati ko naman kay Cindy.

"Hello, Justin," sagot naman niya.

Naupo naman sila sa table sa tapat nina Joel at Trixie. So bale, magkatabi kami ni Michael.

"Ah, by the way, Cindy, sina Joel at Trixie, mga kaklase ko. Joel, Trixie, si Cindy, childhood sweetheart ni Michael." Tumingin naman ako kay Michael. At ang loko, namumula - nagba-blush. Hahaha! Grabe, ang epic talaga niya!

Nagbatian naman silang tatlo. May pagkakalog din kasi itong si Cindy. Tapos, mukhang madaldal din. Si Trixie naman, mukhang masaya. Only girl kasi sa group e. Ugh, sila na.

"Bro, mukhang close na silang tatlo," sabi ko kay Michael.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Oo nga eh."

Nag-order naman si Michael ng.. ugh, as usual, halo-halo. Talagang gusto niya ang halo-halo dito sa canteen. Isa pa, tamang-tama lang sa panahon - summer.

Nagkamustahan at nagkwentuhan lang kami sa canteen buong magdamag. Yung dalawa kasi, in-interrogate pa ang couple. Masyado kasing curious itong dalawa e. Grabe, ang role ko lang dito ay taga-tawa. Halos hapon na nang mapagdesisyunan na naming umuwi.

Habang naglalakad palabas ng school, napag-usapan naming ang nalalapit na bakasyon.

"Guys, anong plano niyo sa bakasyon?" tanong sa amin ni Joel.

"Wala naman," sabay naming sagot ni Trixie. Natawa naman kami.

"Kayo, Michael, Cindy?" tanong ni Joel sa lovebirds.

Natawa naman si Cindy. Si Michael, ayun, namula na naman. LMAO. Color changer talaga siya.

"Ako, wala naman. Naasikaso ko na yung enrollment ko dito eh," sagot ni Cindy. Kinalabit naman siya ni Cindy. Siya na lang kasi ang hinihintay naming sumagot e.

"After graduation, wala pa naman. Second week of April ang maraming agenda." Sa wakas ay sumagot na siya.

Wala talaga siyang pinagbago. Lagi pa rin siyang naiilang sa iba. Grabe, sayang ang kagwapuhan niya. LOL.

"Okay! Ah, guys, gusto niyong magbakasyon sa Ilocos Sur? May rest house kami doon, at sinabi ni Mama na magbakasyon ako dun. Tapos okay lang daw na magsama ako. Ano, bet niyo?" Pumangewang siya.

Lahat naman kami ay sumang-ayon. Papayag naman sina Mama at Papa e. Basta huwag matatapat sa second week ng April dahil uuwi rin kami sa Pangasinan, since Holy Week nga that time.

"Ayos! Tapos sasama rin si Stephen. Kaya mas masaya 'to!" Mukhang excited si Joel. Kami rin naman e.

Well, except kay Trixie. 'Di ba nga, ex niya yun?

"HELL NO!" Si  Trixie.

"Ha? Bakit, Trixie?" tanong naman sa kanya ni Cindy.

"Ex niya kasi yun eh. Alam na.. ampal--"

"SHUT UP, JOEL! Geez, I'm out of here!" Bigla namang nag-walk out si Trixie.

Mukhang hindi pa rin talaga sila nakakapag-usap. Grabe, nakaya ni Trixie na huwag pansinin si Stephen.

Hinabol naman namin siya. Buti at naabutan namin siya.

"Maganda na yung makapag-usap kayo, 'teh. Hindi ko kinekeri ang pag-iiwasan ninyong dalawa eh. Duh, wala namang mawawala kung magkakaroon ng clarification ang relationship ninyo. Saka ayaw mo nun? Hindi ka na mahihirapan kapag nagkakaharap kayo?" sabi ni Joel sa kanya. Talagang hinarap niya si Trix.

"Agree ako kay Joel, Trixie." Sumabat na rin si Cindy.

Kami ni Michael? Heto, nanunuod lang sa kanila.

Sana nga, maayos ang dapat maayos sa bakasyon na ito.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon