Chapter 4: Michael
Justin's point of view:
"Huy.." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwang balikat ko.
Pota! Naduduwag na talaga ako. I mean, ayaw kong masangkot sa mga ganitong gulo e. Ugh! Nakakainis! >_<
"H-huwag p-p-po.." nauutal kong sabi. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Baka mamaya, suntukin pa ako. Tsk.
"Ha? Anyare sayo?" Kumunot ang noo niya. Loko 'to ah! Lakas magtanong kung okay lang ako?!
"Gago! Anong tanong niyan?!" This time, I blurted out. Sa tingin ng *ehem* feeling gangster na 'to?
"Makapagmura 'to. Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling pa siya. Nawiweirduhan na talaga ako sa kanya. Seriously.
"A-ano bang kailangan m-mo sa akin?"
"Gusto ko lang namang makipagkaibigan." Inilahad niya ang kamay niya. "John Michael Perez nga pala."
"Eh?"
Kumunot naman ang noo niya sa naging reaksyon ko. Sino bang hindi? Para siyang gangster, tho hindi halata sa itsura niya. Tapos ang yabang pa ng approach niya. Hay. Binawi na niya ang kamay niya, hindi kasi ako nakipagkamay e. Malay ko ba sa kanya? Baka mamaya may kemikal na nakalagay sa palad niya tapos makatulog ako. O kaya naman, baka strategy niya lang yun para sa balak niya. Alam kong OA pero mas maganda na yung magpaka-proactive ako. Tsk. Tsk.
"A-ano ka ba talaga? Gangster? Nerd? At h-huwag niyo a-akong pag-initan! W-wala naman akong kasalanan sa i-inyo e." Oo, nauutal na ako sa kaba na baka mamaya, may mga kasama ito. Mahirap na. Tsk.
"H-ha? Hindi ko gets?" puzzled ang mukha niya. What the fck.-____-
"Gangster ka, di ba?"
"Eh?" natahimik siya sandali, parang iniisip ang sinabi ko sa kanya. Then..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Grabe, laptrip 'to!" halos hawak-hawak na niya ang tiyan niya sa sobrang kakatawa. Sht, ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Hay, ang hirap talagang makipag-usap sa mga weird na tao.
Naiinis na talaga ako sa pagtawa niya. As in, hindi pa talaga siya makapag-move on sa sagot ko? Hay buhay, parang life. Tsk. Nang mahimasmasan siya ay ki-nompose na niya ang sarili niya tho mukhang natatawa pa rin siya. Ugh! Nagmukha tuloy akong clown dito.
"Gusto mong malaman kung bakit ako tumawa?" bigla niyang tanong. Ugh! "Tama bang pagkamalan mo akong gangster o miyembro ng fraternity? I mean, hindi pa ba obvious na isa lang akong introvert na tao na naghahanap ng kaibigan?" dagdag pa niya.
Hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi na rin ako kinakabahan sa kanya. Tama nga siya, hindi naman siya ganung tao. Actually, wala talaga sa itsura niya. Wala naman sigurong gangster na ganyan ang ayos. Joke lang, may possibilites naman yun. The thing is, naaangasan ako sa kanya. Yun bang, nayayabangan ako sa approach niya kanina? I mean, libreng mahiya? Joke lang. Ang sa akin lang, naiilang ako sa kanya.
"Alam ko na, are you gay?" diretsahang tanong ko sa kanya. Mas maganda nang alam ko na habang maaga pa.
"Ako? Bakla? LOL." Nakangiti pa rin siya sa akin. Brr, kinikilabutan na naman ako. "Bakit mo naman 'yan naisip?"
"Ewan, ang weird mo e."
"Ano, payag ka nang makipagkaibigan?" tanong niya.
Seryoso ba talaga ito? Wala nga kaming formal na introduction sa isa't-isa e. Tapos ang weird pa ng pagkikita namin.
"Seryoso ka talaga? Wala ka bang kaibigan?"
"Sa tingin mo?"
"Tatanungin ba kita kung alam ko?" pambabara ko.
"Halata naman di ba? As you can see, hindi ako yung ganitong uri ng tao. Wala nga akong guts na makipagkaibigan kahit kanino e," sagot niya. Biglang lumungkot ang expression niya. Nakaramdam naman ako ng konsensya sa inasal ko sa kanya.
"May mga kaklase ka naman di ba?"
"Obvious." Loko rin ito, ano?
"Tsk. Bakit, wala ka bang kaibigan sa kanila?"
Umiling lang siya. "Wala akong matuturing na kaibigan sa kanila. Pero nakakausap ko naman sila."
Natahimik na lang ako nun. Wala na kasi akong matanong sa kanya. Isa pa, parang nakokonsensya ako sa pambabara ko sa kanya. Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya e. I mean, ganun din ako dati. Wala gaanong kaibigan. Yes, given na may mga kaklase ka na nakakausap. Pero yung matuturing na kaibigan? Wala. Parehas lang kaming boring ang buhay dati. Hay.
"A-ano, sorry ha? H-huwag mo na l-lang intindihin yung mga pinagsasasabi k-ko.." Naglakad na siya palayo. Nakayuko ang ulo niya at halatang malungkot.
Hay, bahala na nga. "Hey! Teka lang!"
Parang wala siyang narinig at dire-diretso lang siya sa paglalakad. Malungkot talaga siya. Hay.
***
Michael's point of view:
Malungkot akong umuwi sa bahay. Parang pakiramdam ko, hindi talaga ako magkakaroon ng kaibigan.
"O, anak. Bakit ka malungkot?" tanong sa akin ni Yaya Maria. Siya yung tumatayong guardian ko rito. Sa Cebu kasi nakaassign sina Mama at Papa. Isasama dapat nila ako roon, tinanggihan ko lang dahil ayaw ko nang palipat-lipat ng school.
"Wala po ito, Yaya. Ah, mauna na po ako sa kwarto ko," walang gana kong paalam.
"Kumain ka muna ng hapunan."
"Busog pa po ako, Yaya. Mauna na po ako." Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.
Bakit ko nga ba nagawa yun? Hindi naman kasi ako ganung tao eh. Siguro, dahil sa kagustuhan ko na maging kaibigan si Justin Rodriguez. Oo, kilala ko na siya. Nagkabanggaan kami sa school nung first day pa lang. Wala naman talaga akong balak makipagkaibigan sa kanya, o kahit kanino. Mas okay na yung gagraduate ako na malungkot. Not until nung nagkabanggaan kami nung minsang ginabi ako ng uwi. Namukhaan ko siya nung time na yun. Dun ko lang narealize na mabait naman pala siya. Tinulungan pa niya akong ayusin ang mga nahulog ko na libro. Nakonsensya pa nga ako nun eh, kaya tumakbo na lang ako paalis.
Kaninang umaga, hindi ko inaasahan na magkakasabay kami sa pagpasok. Dun kasi ako sumakay sa bookstore, malapit kung saan siya naghihintay. Nung time na yun, gustong-gusto ko na talagang makipag-usap sa kanya. Nahihiya lang talaga akong i-approach siya. Hanggang sa bumaba na kami pareho. Sinundan ko naman siya kanina sa school dahil nahulog niya yung ballpen at panyo niya. Sayang naman.. Armando Carusso ang panyo niya tapos G-tech ang ballpen niya. Ayaw ko namang sumigaw at tawagin ang pangalan niya, nakakahiya yun.
Naputol lang ang pagmumuni ko nang may kumatok. Agad naman akong tumayo para tignan kung sino.
"Michael, anak, may bisita ka." Si Yaya Maria pala.
Teka, bisita? Sino?
"Sino po, Yaya?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka naman. Never pa kasi akong nagpapunta ng kaklase rito.
"Basta, bumaba ka na. Ihahanda ko ulit ang hapunan at kumain kayo." Bumaba na si Yaya.
Sumunod na rin ako sa kanya pababa. Nacu-curious pa rin ako sa bisita ko. Sino kaya yun? Pagkababa ko, napansin ko ang lalaking nakasumbrero. Nakapambahay na ito at nakatalikod kaya hindi ko mamukhaan.
Tumikhim ako. "Ehem."
Mukha namang nakaramdam ang lalaki kaya humarap ito sa akin. Laking-gulat ko na si Justin pala yun. Anong ginagawa niya rito?
Paano niya nalaman ang tirahan ko?
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)