A/N: Ito po yung story kung paano nagkita ulit sina Michael at ang longtime crush niyang si Cindy.
***
Chapter 13 [Special Chapter]: Childhood Sweetheart
Michael's point of view:
January 7, 2008 - Monday
Pasukan na naman ngayon. Grabe, parang tinatamad pa akong pumasok. Kasi naman sina Mama at Papa, masyadong maraming pambawi. Kung saan-saan nila ako pinasyal sa Cebu. Talagang wala silang inatupag kung hindi ang pagurin ako. Haha! Pero nag-enjoy talaga ako.
Oo nga pala, naging masaya rin ang pasko ko sa probinsya nina bro Justin. TBH, panay ang selfie namin ni Kuya Julius. Grabe, selfie addict pala siya? Okay lang naman sa akin yun, kaso talagang naka-tag sa akin yung mga photos namin. Marami tuloy ang nakakita sa mga epic fail kong shots.
"Michael, kakain na," sabi ni Yaya Maria. Nasa likuran ko na pala siya.
"Opo, yaya. Sunod na lang po ako." Hindi ko siya magawang lingunin dahil inaayos ko pa ang uniform ko.
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto - lumabas na si Yaya.
Sa gitna ng pag-aayos ko ay natabig ko ang wallet ko, dahilan para mahulog ito sa sahig. Saktong pupulutin ko na ito nang mapansin ko ang isa sa dalawang picture na nandito - ang picture namin ni Cindy..
Ang first love ko.
Bigla ko tuloy naalala ang una naming pagkikita, seven years ago.
Flashback:
Nasa garden ako ng bahay namin that time. I guess, 9 years old ako. Nakakatamad kasing manatili sa kwarto eh. Isa pa, sawang-sawa na ako sa mga libro ko sa shelf.
Nakatunganga lang ako dun, habang naglilinis naman ng kotse sa 'di kalayuan sina Manong Jose, dati naming driver at si Kuya George, anak niya. Nasa 17 years old pa lang that time si Kuya George. Out of nowhere, may tumama sa aking bola. Ang masama pa, sa ulo ko pa tumama. Grabe, mabobobo na ako nito. Hehe, biro lang.
Actually, hindi naman siya masakit, pero may impact pa rin. Dali-dali kong hinanap ang may-ari ng bola na yun.
"K-Kuya, bola k-ko po 'yan." May nagsalita sa labas, kaya agad akong tumungo dun.
To my shock, sobrang ganda ng babaeng may-ari ng bola. Para siyang diwata. Grabe, parang na-love at first sight ako.
"Kuya?" Winawasiwas niya ang kamay niya sa mukha ko. Natulala kasi ako eh.
"A-Ah, sorry. H-Here's your ball," nauutal kong sabi. Binigay ko sa kanya ang bola.
Ngumiti naman siya sa akin. Grabe, pati pagngiti niya, ang ganda.
"Thanks."
"Anong pangalan mo? Saan ka nakatira? Bagong lipat ka lang ba dito? Ilang taon ka n--"
"Ang dami mo namang tanong." Natawa naman ako. "Ako pala si Cindy. Opo, bago lang po kami dito. Taga diyan lang ako sa tapat ninyo. Ten years old na po ako," sagot niya. "Kayo po? Anong pangalan niyo?"
"Ah, ako si Michael. Nice to meet you, Cindy," nakangiti kong sagot sa kanya. Pati ako, nahahawa na rin sa ngiti niya.
Naglaro naman kami ni Cindy after that short intro. Masaya siyang kalaro, idagdag pa na lagi siyang nakangiti. Ugh, heaven.
After that day, halos araw-araw na kaming naglalaro. We became buddies. Yun bang, halos hindi na kami mapaghiwalay? Nakakatuwang isipin na buong summer, lagi kaming naglalaro.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)