Chapter 1: First day fail

6.9K 144 21
                                    

Chapter 1: First day fail

Justin's point of view:

"JUSTIN! Bumangon ka na ngang bata ka! Mahuhuli ka na sa klase mo! Naku ka naman!"

Agad akong napabangon sa sigaw ni Mama sa akin. Ugh, I see.. first day nga pala ng pasukan.

Hell yeah, ang saya nga naman ng araw na ito. Bukod sa kakalipat lang namin dito sa Pampanga, kailangan ko na namang mag-cope up sa bago kong school. Ito ang isa sa hindi ko maintindihan e. Hindi ko alam kung bakit kami lumipat dito. Hindi naman kasi in-explain ni Mama at ni Papa e. Ayos naman ang buhay namin sa Maynila kaya nagtataka ako.

Huwag kayong mag-expect sa akin. Hindi ako yung campus heartthrob, bad boy, geek o nice guy na kadalasang nababasa sa mga fiction books o napapanood sa telebisyon. I'm just a simple, and typical guy. Yung hindi pansinin? Well, in my own perspective. Sabi naman ng iba, ang gwapo ko raw, especially kapag nakasuot ang salamin ko. Oo nga pala, medyo malabo ang paningin ko that's why kailangan kong magsalamin.

Bago pa ako mahuli sa klase ko ay nag-ayos na ako ng sarili. Kanina pa kasi sigaw nang sigaw si Mama e. Kesyo raw malelate ako, baka mahaba ang pila sa pagkuha ng section at kung anu-ano pa. Hindi ko na lang siya pinansin at dire-diretso lang ako sa pag-aayos. Saka isa pa, alas-siyete pa lang ng umaga for Pete's sake! Sadyang OA lang si Mama.

7:30 na ata ako natapos sa pag-aayos at pagkain ng agahan. Buti naman at natahimik na si Mama.

"Ma! Alis na ako," sigaw ko sa kanya. Nasa pinto na kasi ako, nasa kusina naman siya.

"Hay nako, hindi na kailangang sumigaw!" napabuntong-hininga na lang ako sa tugon niya. Huwag daw sumigaw pero siya naman kanina, makasigaw wagas. Hehe, loves ko pa rin naman si Mama no.

At kung minamalas ka nga naman! Wala halos nadadaang jeep papunta sa school. Kung mayroon man e puno na at hindi pa nahihinto. After 10 minutes ata nung may humintong jeep sa harap ko. Kasya pa raw ang isa, sabi ng driver. Akala ko naman kasya talaga. Yun pala, ang kahulugan ng kasya sa kanya ay yung kalahati lang ng.. err, pwet mo ang makakaupo. Ang dating tuloy ay parang naka-squat lang ako. Sapakin ko kaya itong si Manong driver e. Joke lang. Since no choice nga ako. Tiniis ko na lang ang pangangawit ng tuhod ko. 15 minutes pa naman ang biyahe. Naku naman!

Pagkababa na pagkababa ay nag-inat muna ako ng mga buto. Tinignan ko muna ang harap ng bago kong school. Sa unang tingin pa lang, alam ko nang mas malaki ang dati kong school. Pero mas malawak ito.

Pumasok na ako agad para makuha ko na ang section at schedule ko. Ang problema pa, dahil mas malawak ito, hindi ko alam kung saan ko pupuntahan ang Registrar's Office. Ugh! Ano ba 'tong napasukan ko.

Sinubukan kong magtanong. Ang nakakainis lang ay Kapampangan sila sumagot. Ugh! Saan ko naman hahanapin yun?

Naglakad-lakad ako saglit nang may tumawag sa akin.

"Kuya na nakasalamin!" Tumingin naman ako sa paligid ko kung iba ang tinatawag niya.

"Huy! Ikaw yung tinatawag ko!" naglakad na siya palapit sa akin.

Ano namang kailangan nito sa akin? Sino ba 'to? At nakakahiya naman sa kanya, kung makatawag na 'kuyang nakasalamin' e akala mo hindi rin siya nakasalamin. Tsk. Tsk.

"Ako ba yung tinatawag mo?" paniniguro ko. Baka naman iba.

"Opo! Ikaw po. Itatanong ko lang kung saan yung Registrar's Office," tanong niya sa akin. Nako, pasalamat lang at babae siya. Baka kung ano pa ang pambabara ang masabi ko.

"Naku, hinahanap ko rin, Miss. Actually, transferee ako rito," sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba? Pasensya na ha? Kanina pa kasi ako ikot nang ikot dito eh."

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon