Chapter 9: Sick

1.4K 69 6
                                    

Chapter 9: Sick

Justin's point of view:

Minsan-- I mean, madalas, nabibitin tayo sa bakasyon. Yung pakiramdam na, nahihirapang bumangon ang katawan mo sa sobrang bitin ng sembreak? Halos dalawang linggo rin kasi ang bakasyon e. Nagdecide din sina Mama at Papa na umuwi kami sa probinsya namin sa Pangasinan. Sobrang nag-enjoy ako roon, especially nagkita ulit kaming magpipinsan.

Hindi ko na idedetail by detail dahil mahuhuli na ako sa klase. Tiyak, sandamakmak na namang projects ang tatambad sa amin. Hay.

Nagbibihis na ako ng uniform nun nang bigla na namang sumigaw si Mama.

"Justin! Nandito si Michael!" sigaw niya.

"Ma, paakyatin niyo na lang. Hindi pa ako tapos e." sigaw ko rin. Grabe, para kaming taong bundok. Tsk.

Maya-maya, may kumakatok na. Si Michael nga, at naka-uniform na siya. Hm, mukhang sasabay sa pagpasok. Sabagay, magkaparehas lang ang oras ng klase namin.

"Napadaan ka?" tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayong pumasok sa school." Naupo naman siya sa kama.

Tumango na lang ako saka muling humarap sa salamin. Since kakabukas lang ng klase ngayon, wala pa naman kaming assignments o quizzes, pero dahil medyo nabobored na ako sa mga natirang araw nung bakasyon, nag-advance study na ako. Matapos mag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko.

"Michael tara n--"

Napahinto ako. Bakit ngayon ko lang napansin?

"B-bakit, bro?" buong pagtatakang tanong niya.

"Wow. What a change, bro." Ang nasabi ko na lang.

Grabe, nung huli kaming nagkita, medyo ayos na siyang pumorma. Akala ko, hanggang dun na lang yun. Pero, wow. Seriously, ang gwapo niya ngayon. Nagmukha siyang artista ngayon. Ewan ko na lang kung walang makapansin sa kanya mamaya.

"Hehe. Ito ba? S-si Mama kasi e. Nung kinuwento sa kanya ni Yaya Maria yung ginawa niyo, natuwa siya kaya heto." Tinuro pa niya ang sarili niya.

"Ewan ko na lang kung wala pang magkagusto sayo mamaya." Ngumisi ako.

Matapos naming mag-usap ay umalis na rin kami. Kahit pala si Mama, nagulat sa bagong itsura niya.

Pagkasakay na pagkasakay pa lang namin ng jeep, pinagtitinginan na agad si Michael. Sino bang hindi? Ang laki ng pinagbago ng itsura niya e. Medyo naiilang pa ang loko. Hindi kasi sanay sa sobrang atensyon.

Ganun din ang eksena nung makarating kami sa school. Animo'y para kami--- este siyang dumaan sa red carpet. Instant celebrity ang loko.

"Ayos lang 'yan, bro. At least, hindi ka na wallflower ngayon. Haha!" bulong ko sa kanya.

"Bro naman e." Medyo naiilang talaga siya.

Naghiwalay na kami ng daan. Sa fourth floor kasi ang mga rooms ng fourth year e (intended lang ang mga rooms na yun for subjects like English, Math, Values Educ., Araling Panlipunan. Sa ibang building kasi ang ibang subjects). Kaming mga third year naman ay sa third floor, kaya pumunta na ako sa room namin. Nabigla naman ako nang mapansin si Trixie sa loob. Siya pa lang mag-isa sa loob at mukhang natutulog. Hindi na muna ako pumasok at nagstay na lang sa labas. Alam ko naman na hanggang ngayon, ayaw pa rin niya akong makausap e. Wala naman akong magawa. Nagdecide na siya e. Better kung respetuhin ko na lang yun.

Since isang oras pa bago magsimula ang klase ay bumaba na muna ako at nagpasyang maglibrary muna. Sakto at nasalubong ko si Joel.

"Hi Justin. Saan ang punta?" tanong niya. Buti at hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko na alam kung pati siya ay magalit din sa akin.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon