A/N: Tatapusin ko na ang Adrian and Justin chaos.XD Ge, quota na ako sa author's note.
READ | VOTE | COMMENT
***
"Kung ayaw, maraming dahilan. Kung gusto, mas maraming paraan.."
- Owner
Chapter 30: Extra Challenge [Part 1]
Justin's point of view:
Miyerkules. Nakatanggap ako ng text galing kay Gabrielle.
From: Gabby
Adrian, Justin, may meeting daw kayo later with other pairs sa Extra Challenge. 3:30 PM @ auditorium.
Parang ewan lang? E malapit lang naman siya e. Nasa home room kasi kami. Wala kasi kaming English ngayon. Isa pa, magandang chance na 'to para makapag-review ako. Ala una pa lang naman noon kaya naidlip muna ako. E 'pag ganung mga oras pa naman, inaantok talaga ako. Okay lang naman siguro ito, since wala pa kaming teacher.
On the way na ako sa dreamland nang may maramdaman akong kumalabit sa akin.
"Geez, istorbo naman o?" mahina kong sabi habang unti-unting ina-adjust ang mata.
Sobra ang gulat ko nang si Ma'am Tapia pala ang kumalabit sa akin. Teacher namin siya sa Math. Shit. Patay.
"Enjoying the nap, Mr. Rodriguez?" tanong niya sa akin. Ewan ko lang kung sarcasm yun or what.
"S-Sorry p-po, Ma'am!" agad kong paghingi ng pasensya. Shit talaga, nakakahiya.
Ngumiti naman siya. "Okay. Apology accepted. By the way, kararating ko lang at pinapatawag na kayo sa auditorium. May meeting ata kayo?"
Agad akong tumingin sa wrist watch ko. 2:17 PM pa lang. Eh? Ba't napaaga?
"Ma'am, 3:30 PM pa lang po yung meeting namin," sagot ko.
Then out of nowhere, nagtawanan ang mga kaklase ko. May nasabi ba akong mali?
"Ma'am, pagpasensyahan niyo na po si Justin. Hindi po niya ata nabasa yung text ko kanina." Nakisabat na si Gabby sa amin.
Agad kong nilabas ang phone ko para tignan ulit ang text niya kanina. Malay ko ba kung prank lang pala yun? Edi nagmukha pa akong retarded? At shit, oo nga. Dalawa pala ang text niya kanina. Akala ko double send lang e. Ganito kasi yung pangalawa niyang text sa akin..
From: Gabrielle
Adrian, Justin, may meeting daw kayo later with the other pairs sa Extra Challenge. 2:30 PM @ auditorium.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)