Chapter 28: Decisions

549 36 12
                                    

Chapter 28: Decisions

 

Justin's point of view:

Hell yeah.

Ano ba talagang trip ng mga 'to? Alam na nga nila na may 'cold war' kami ni Adrian, tapos ganito?

"Wait-- h-hindi pa ako pumapayag! Ayaw ko!" pagkontra ko.

Ngumisi lang si Gabby. "Eh gusto namin? Wala kang magagawa."

At talagang-- ugh!

"Teka, ganito na lang. Majority wins tayo," ani Ma'am.

Nag-nominate naman sila ng ibang pairs. Talagang 'di nakaligtas ang pangalan namin ni Adrian sa listahan. Ugh, ang awkward kaya ng ganun! Baka imbes na manalo kami, matalo pa.

Dahil nga persistent sila sa duo namin ni Adrian, lahat sila, except Adrian, ako at Carl, binoto kami. Ugh.

"Okay, Justin and Adrian, kayo na ang representative ng section niyo. Follow me." Lumabas na si Ma'am.

Nagpasama naman ako kay Clay papunta sa faculty room. Narinig ko pang nagkumento si Carl. Hindi ko na lang pinansin. Wala namang sense kung papansinin ko pa ang isang yun. Sabi nga nila, kung alam mong wala kang ginagawang mali, don't mind those shits. Wala ka namang makukuhang benefits kapag pinatulan mo pa.

"Buti, hindi mo pinatulan si Carl," nakangiting sabi ni Clay.

"Hindi naman ako magbe-benefit kapag pinatulan ko pa siya," sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya, at tahimik na naming binagtas ang corridor papuntang faculty room. Aware din akong nasa likod namin si Adrian at mag-isang naglalakad. Ayaw ko na rin siyang pansinin. Wala rin e. Mahirap talagang mag-explain sa mga taong sarado ang isip. Walang kwenta ang mga pagpapaliwanag mo sa kanya. Bakit pa ako mag-ba-bother?

Pero sa totoo, nakaka-miss din yung kaibigan mong masayahin? Yung hindi ka tatantanan hanggang hindi ka niya napapangiti? Siya yun e.

In no time, narating na rin namin ang faculty room. Nagpaiwan naman si Clay sa labas. Nasa likod ko naman si Adrian.

"Here." May inabot sa aming papel si Ma'am. "Registration form iyan. Nandyan na rin ang mga rules at scope ng contest. Bukas, ipasa niyo 'yan sa akin, okay?"

"Opo, Ma'am." Sabay pa kaming sumagot. Ugh.

Pagkatapos niyon ay lumabas na kami. Since siya ang nasa likod, siya na ang pinauna ko.

"O, kamusta?" Si Clay.

"Kung huwag na lang akong sumali?" tanong ko. Ang awkward lang kasi e.

"Loko, sumali ka na." Tinapik pa niya ako sa balikat.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon