Chapter 44: Revelation [Part2]

370 12 0
                                    

Chapter 44: Revelation [Part2]

Justin's point of view:

So far, na-manage ko naman na makatulog nang maayos kagabi. Isa pa, dahil siguro sa pagod sa biyahe saka sa pagswimming. Agad kong tiningnan ang katabi kong si Bryan, na mukhang tulog pa rin hanggang ngayon. Na-manage ko naman siyang katabi sa kama, since hindi naman siya malikot matulog. Agad naman akong bumangon para tingnan sina Adrian at Michael. Mukhang mahimbing pa rin ang tulog ng dalawa. Well, sobra kasi nilang na-enjoy ang pagsu-swimming kahapon e. Ako naman, ngayon-- I mean, mamaya ko pa lang talaga lalasapin ang salt water. Nasa mood na kasi ako, unlike kahapon. Bumangon na ako kahit quater to 6 AM pa lang. Maghahanda na lang ako ng almusal para sa amin. Nakakagulat lang dahil may mga goods talaga sa ref ng cottage na ito. Nung tinanong ko naman si Adrian, pinalagay talaga iyon ni Tito Randall para sa tatlong araw naming stay dito.

After scanning the whole refrigerator, I decided na magluto na lang ng aroz caldo, since mayroon kaming dalang bigas. Medyo may kamahalan kasi ang mga pagkain dito sa resort kaya kailangan din naming magtipid.

I was in the middle of cooking nang bumukas ang kwarto ng mga girls. Mukhang may gising na sa kanila. At lalo akong napangiti nang malaman na si Clay iyon.

"Ohayou gozaimasu, Clay-chan!" I greet her in my unusual cheerful manner. Mas kilala kasi ako in my low voice or manly manner, according to my classmates.

"Juma-Japanese ka ah? Morning din. Teka, mukhang mabango 'yan ah?" she commented habang naglalakad papunta sa pwesto ko.

"Thanks. Maaga kasi akong nagising so I decided to cook breakfast for all of us. I don't know kung masarap siya pero edible naman siya." We both laugh afterwards.

She volunteered herself na tulungan ako sa pagluluto-- na siya ko namang kinatuwa. Seriously, sinong hindi matutuwa kung tinulungan siya ng crush niya?

"Gusto mong tikman?" tanong ko sa kanya.

"Pwede na ba?" nakangiti niyang tanong. Tumango naman ako habang pinagseserve siya ng small amount sa mangkok na nandoon.

Napa-thumbs up naman siya matapos ang unang subo niya. "Ang sarap, Justin. Seryoso."

"Wow. Thanks, Clay!" nakangiti kong sagot. Feeling ko tuloy, nabusog na ako sa compliment niya regarding sa luto ko.

"Ako na ang magse-serve at maupo ka na riyan," utos niya sa akin.

"Nah, tawagin ko na sila para sabay-sabay na tayong kumain." Tumayo na ako para pumasok sa kwarto namin.

"Bryan, Michael, Adrian, wake up. Breakfast is ready," tawag ko sa kanila. Obviously, isa-isa sila.

Nang magising na sila ay yung love birds naman ang tinawag ko. Good thing is, gising na pala silang dalawa. I don't know pero malakas ang pakiramdam ko na may milagrong ginawa yung dalawang iyon. Napailing na lang ako, bago pa lumala yung thoughts na nasa utak ko. Hindi pa kasi ako ganun ka-open sa idea na yun. Lol.

"Sinong gustong mag-lead ng prayer?" tanong ni Trixie sa amin. Nasa hapag na kaming lahat ngayon.

"Ako na lang," pag-volunteer naman ni Michael, na medyo inaantok pa.

Naging masaya naman ang breakfast namin. Makwento kasi si Joel. Nakikitawa naman kami. Maya-maya pa, nabaling naman ang usapan sa almusal namin.

"Ang sarap mong magluto, Clay!" Adrian exclaimed.

Loko 'to ah? Ako nagluto e! Hahaha!

"Adik, si Justin ang nagluto. Ako lang ang nag-serve," sagot naman ni Clay.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon