Chapter 43: Revelations [Part 1]

437 13 0
                                    

This chapter is dedicated to Ms. CG Threena, dahil siya po ang gumawa ng book cover nito. Maraming salamat po ulit. Sorry, late reaction.:)


Chapter 43: Revelations [Part 1]

Justin's point of view:

Napatagal ang usapan namin nina Papa at Mama sa bahay kanina. Well, ganito kasi iyon..

Flashback:

"Anak, napag-usapan kasi namin ng Papa mo kung ano ang gusto mong regalo mula sa amin," ani Mama over dinner. Yeah, dito na ako naghapunan. Nakakahiya naman kung makikikain pa ako kina Adrian, gayong galing na ako rito.

"Ma, Pa, wala naman po akong hinihinging regalo sa inyo e. 'Di ba, sinabi ko na po ito sa inyo noong graduation ko?" sagot ko sa kanila. "Isa pa, yung fact na in-invite natin ang mga kaklase ko rito ay maganda nang regalo para sa akin."

"'Nak, isa pa sa napag-usapan namin ng Mama mo kung kotse na lang kaya ang regalo namin sa iyo?" Si Papa naman ang nagsalita. "We also decided na bilhin yung bakanteng lote sa katabi nating bahay para i-extend itong bahay natin. What do you think?"

Saglit akong napaisip. Oo, may bakanteng lote diyan sa katabi namin. Hindi iyon kalakihan pero pwede nang pakinabangan. Well, wala naman ako sa posisyon para sumang-ayon o tumanggi, kaya.. "it's up to you, Pa. Pero, regarding sa kotse, saka na lang po. Enjoy-in ko muna ang pagko-commute."

They both sighed—na ewan ko kung para saan.

"Well, kung iyan ang desisyon mo, okay lang. Pero.." Saglit siyang napahinto dahil may kinuha siya sa ilalim ng mesa. "I hope, okay na ito sayo." Sabay abot sa akin ng isang box. Hindi ko ma-figure out kung ano iyon dahil nakabalot pa ito sa wrapper.

"A-Ano po ito?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti lang sila sa akin. Kahit si Jocelyn ay wala ring kumento. Agad ko naman iyong binuksan. Ngunit, gayon na lamang ang pagkamangha ko nang makita ang laman ng kahon—Iphone! Wow, paano nakabili si Papa ng ganito? Ang balita ko kasi, mahal daw ito, since kaka-release pa lang nito sa Pilipinas.

"P-Pa?" Sabay tingin ko kay Papa na nakangiti pa rin hanggang ngayon.

"I know, ang mahal ng phone na 'yan kaya nagtataka ka, right?" Tumango ako. "Kasama 'yan sa benefits na nakuha ko sa Law Firm sa Manila. Actually, para sa akin dapat iyan, pero bigla kitang naisip. Wala pa pala kaming naibibigay ng Mama mo sa iyo, kaya I decided na ibigay na lang sayo. Isa pa, kuntento naman na ako rito sa cellphone ko," paliwanag ni Papa.

"Pa, thanks pero hindi ko matatanggap 'to." Binalik ko sa kanya yung phone.

"Ha? Bakit?" Si Mama naman ang nagtanong.

"E bigay pala ito sa inyo ng Firm e. Meaning—para sa inyo talaga. Pa, okay lang," sagot ko sa kanya. Hay! Ewan ko ba sa mga magulang ko. Masyadong ginagawang big deal ang ireregalo sa akin.

"Magagalit ako kapag hindi mo kinuha," aniya in his usual commanding voice. Medyo natakot naman ako. "Don't worry, yung SIM card lang ang kinuha ko diyan, since yun lang ang naka-register sa kumpanya. 'Yang phone, para sa iyo na talaga."

Wala na rin akong nagawa sa huli kung hindi ang tanggapin ang phone na iyon. Tinulungan naman ako ni Papa na ilipat ang SIM ko roon. Nang okay na ay siya na ang gumawa ng account ko sa iTunes ba yun? Ay ewan ko. Wala pa kasi akong alam sa IPhones e. Nang okay na ay naisipan kong mag-groufie kasama sila. Bibinyagan ko lang yung camera.

End of flashback:

Matapos kumain ay nagpaalam na ako kina Papa at Mama. Sinabi ko rin sa kanila na dadaanan ko na lang dito bukas ang mga bagahe ko. Hassle kasi kung dadalhin ko na agad kina Adrian e. Agad na akong naglakad papunta sa kanila, habang dinadama ang music sa IPhone ko. OA, I know, pero ganito kasi ako kapag bago yung device e. Naabutan ko pa yung katulong nina Adrian at itinuro naman niya na nasa tree house nga raw silang lahat.Habang papalapit, naririnig ko na parang may serious talk sila. Medyo nahiya naman ako, pero umakyat na rin ako. Naririnig ko pa nga noon si Michael na nagsasalita.. tungkol sa akin? Dahil sa curiosity ay pumasok na rin ako.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon