Chapter 40: Prom

334 12 0
                                    

Chapter 40: Prom

Justin's point of view:

February 2, 2009

Maaga akong pumasok ngayong araw. Ewan ko ba, parang lagi akong binabangungot. Lagi kong nakikita sa panaginip ko si Michael na umiiyak. Nais ko siyang tulungan pero hindi ko magawa dahil may parang salamin na humaharang sa akin para lapitan siya. At sa tuwing nagigising ako, lagi kong nakikita ang sarili ko na umiiyak. Minsan nga, nagising si Kuya dahil umiiyak ako. Nagpalusot na lang ako noon dahil nga ayaw ko nang malaman pa nila. Ewan ko kung bakit iyon ang lagi kong napapanaginipan. Ugh.

"Lutang ka na naman diyan."

Nabigla na lang ako dahil bigla bigla na lang sumusulpot itong Adrian na ito. Buti na lang at wala akong sakit sa puso.

"Lul,"sagot ko sa kanya.

"Bakit nga?" tanong pa niya.

"Wala. Inaantok pa marahil ako," palusot ko na lang.

Hindi na rin siya nag-usisa pa at sabay na naming tinahak ang daan papuntang computer lab. Wala namang pinagawa sa amin si Sir Panlilio. Kakatapos lang kasing i-check ang test papers namin for third periodical examination noong nakaraang linggo. So far, kaming tatlo nina Nigel at Kevin ang highest. Sumunod naman sina Dianne at Adrian. Nagkamali kasi sila sa isang method. By the way, troubleshooting ng computers ang scope ng exam namin. Then, the rest followed. Matapos ibigay ang homework namin ay pinalabas na rin kami. Agad kaming pumunta sa homeroon namin para sa second subject namin. Dito, naabutan namin sina Alice at Clay na nagkukwentuhan. Good thing is, kami-kami ang magkakaseatmate sa subject na yun.

"Good morning, Justin at Adrian," bati nilang dalawa sa amin.

"Morning," sagot naman namin.

Kwentuhan lang kami roon ng kung anu-ano. Hanggang sa isa-isa,nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin. May ilan na nakisali sa kwentuhan namin, na akala mo e may mahalaga kaming pinag-uusapan. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am.

"Good morning, class. I have some important announcement." Agad naman kaming tumahimik. "Since February na ngayon, we all know na mayroong ginaganap na JS Prom, right?" Tumango naman kami. "Sad to say, wala na tayong ganun."

Halos lahat ata ay nagulat at nalungkot sa announcement ni Ma'am. Kahit ako rin naman e.

"Wait lang. I'm not finished yet." Natahimik ulit kami. "Instead, magkakaroon ng separate ball ang third year at fourth year. I know, katulad na naman ng nakaraang taon pero as they observed, mas maayos ang resulta nang nakaraan kaya iyon na ang ia-apply simula ngayon."

Natatandaan ko nga iyon. Kaya pala hiwalay yung sa amin noon sa batch nina Michael. Well, maganda nga iyon. At least, hindi magulo sa event.

"Gaganapin ito sa February 14, Saturday, 5 PM sa Bulwagang Aguinaldo. I know, pamilyar kayo sa place. Malapit lang siya rito.." paliwanag pa ni Ma'am. "One more thing, hindi na kayo sasali sa coutillon, pero kailangan niyo ng apat na represantatives para sa King and Queen of the Night. Any suggestion, please?"

Kampante naman akong hindi ak o matatawag diyan since ako-- este kami na ni Clay ang sumali noong nakaraan.

"Ma'am, sina Justin at Clay po ulit!"

Bigla akong napatingin noon kay Bryan. D4mn, bakit ba niya ako pinagkakanulo?!

"Ma'am, sumali na po kami ni Clay sa mga ganyan dati. I think, give chance to others naman. Isa pa, marami namang mas good-looking sa atin," pagkontra ko. Nadala na kasi ako sa ganyan e. Ayaw ko na.

"Ma'am, 'di ba, may advantage na yun? Isa pa, wala naman sa rules ng pageant na bawal nang sumali yung ibang nakasali na sa ibang pageant?" paliwanag pa ni Bryan. Shit ka talaga, Bryan!

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon