Chapter 17: Adrian [Part 1]

849 44 14
                                    

Chapter 17: Adrian [Part 1]

 

Justin's point of view:

"Justin, umaga na. Bumangon ka na, bago ka pa akyatin dito ni Mama," ani Kuya Julius. Mukhang papasok na rin siya sa trabaho niya. Ugh, inaantok pa ako e.

Pupungas-pungas akong bumangon. Naisipan kasi ni Kuya na mag-movie marathon kagabi.

"Ang aga mo?" tanong ko sa kanya habang nagtatanggal pa ng muta.

Saglit akong napatingin sa wall clock namin. Alas-singko y media pa lang ng umaga (alangang gabi?). Madilim pa ang kalangitan. Saglit akong napatingin kay Kuya. Nagtataka lang ako. Usually kasi, alas-otso umaalis si Kuya para pumasok.

"May aasikasuhin pa ako sa opisina mamaya. Sige, baba na ako." Tumayo na siya para kunin ang laptop niya, saka bumaba na. “Sumunod ka na.”

Dahil maaga pa nung mga oras na iyon,  nahiga na muna ako. Hindi naman siguro magagalit si Mama. Ugh, ang aga-aga pa e. 8:30 AM pa naman ang start ng klase ko. Isa pa, hindi naman ako nae-excite pumasok sa school.

Oo nga pala, first day of classes ngayon. Fourth year na rin ako. Grabe, parang kailan lang nung unang tapak ko dito sa Pampanga. Tapos first day din that time. Ewan ko ba, parang mamimiss ko ang mga dati kong kaklase. Kahit naman ganun yung mga yun, nasanay na ako sa kanila.

Isa pa, nagtransfer na sa ibang school si Stephen. Mukhang nasaktan talaga siya sa closure nila ni Trixie. Talagang malungkot siya nung umuwi kami galing Ilocos Sur. Ni hindi nga siya nagsalita e. Hindi ko naman siya masisisi e, yun ang way niya para makapag-move on.

Minsan, mahirap talagang tanggapin ang katotohanan. Pero, mas maganda rin yung nagkaliwanagan na sila. At least, kahit masakit, magagawa pa rin nilang magmove on.

Maya-maya lang ay nakaidlip na naman ako sa sobrang pag-iisip..

***

Nagising na lang ako sa katok ni Mama. Ugh, 6:45 AM pa lang naman. Hindi pa ako malelate sa pagpasok. Grabe si Mama. Wala man lang konsiderasyon.

"Sandali lang, Ma," sigaw ko.

Agad ko nang kinuha ang tuwalya ko saka lumabas na.

"Pastilan kang bata ka!" Kinurot ako ni Mama sa tagiliran. Hindi naman gaanong masakit.

Napakamot na lang ako ng ulo sa ginawang iyon ni Mama. Naligo. Kumain. Nagsipilyo. Nag-ayos. Nang matapos ay bumaba na ulit ako para humingi ng allowance. Sakto at day-off ata ni Papa ngayon kaya makakahirit pa ako ng dagdag baon.

"Pa, padagdag ng baon ko." Naupo pa ako sa tabi niya. Hinehele niya kasi ang bunso namin.

"Kumuha ka na lang sa wallet ko. Isang-daan lang," sabi naman niya.

Galante talaga 'tong si Papa. Kumuha naman ako ng isang daan sa wallet niya. May mga tig-iisang libo kasi dito e. Mataas talaga ang sweldo niya. Nagmano muna ako sa kanila ni Mama bago umalis. 7:45 AM pa lang nung mga oras na yun. Maaga pa, unlike sa sched ko dati na 9:30 AM. Buti na lang, agad may humintong jeep sa harap ko.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon