Chapter 15: Complicated

920 46 9
                                    

Chapter 15: Complicated

 

Justin's point of view:

Nagising ako sa masarap na amoy. Naalala ko, hindi pala ako kumain ng hapunan kagabi. Inantok na talaga ako, marahil ay sa sobrang hilo. Napatayo agad ako para bumaba na. Then bigla kong nakita sina Stephen at Joel na natutulog pa rin hanggang ngayon. Namahay pa siguro.

Oo nga pala, dapat magkakatabi kami sa comforter. Ugh, bakit ko ba nakalimutan. Hindi bale na nga, nakatulog na ako e. Wala namang magagawa ang dalawang ito.

Agad naman akong bumaba para silipin ang nangyayari sa kusina. Ang bango talaga ng amoy e. Parang sinigang ang niluluto? Pagkababa ay naabutan ko si Cindy, na nagluluto? Hindi ko alam, magaling din pala siyang magluto?

"Oh, good morning, Justin!" bati niya sa akin nang makita niya akong nakamasid sa kanya.

"Good morning din. Mukhang maaga kang nagising ah?" tanong ko sa kanya.

Dumiretso naman ako sa lababo para makapaghilamos at makapagmumog.

"Oo eh. Hindi ako dalawin ng antok," natatawa niyang sabi. Ano namang nakakatawa dun?

"Ba't natawa ka?"

"May muta ka pa eh. Mukhang nagmamadali kang maghilamos," sagot niya.

Okay, halata ako dun. Well, pasensya naman.

Tinulungan ko naman na siyang mag-ayos ng agahan. Tama nga ako, sinigang ang niluluto niya. Paborito daw kasi ni Michael. Ganern? May paborito pa lang pagkain yun? Well, hindi halata. May pagkamatakaw din kasi yun e.

Patapos na kami nang bumaba si Michael. Ginugusot-gusot pa nito ang mata habang bumababa.

"Michael, ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag kang maggusot ng mata gamit ang kamay? Mamaya, mairita ang mga mata mo niyan eh. Tsk," medyo naiinis na sabi ni Cindy.

Lumapit naman si Michael sa kanya at niyakap siya nito. "Sorry na, nawala sa sarili ko eh."

"Nawala? Hay nako, Michael. Reasons." Tinanggal ni Cindy ang mga kamay ni Michael.

Napa-tsk na lang ako sa kanila. Alam ko naman na nagbibiro lang si Cindy. Tapos, itong si Michael, parang tinototoo ang pagsosorry. Ah ewan. Ugh! Nakakaewan silang dalawa.

Umakyat ulit ako sa taas para tawagin na sina Joel (na mukhang enjoy na enjoy na kasama si Kuya George sa isang kwarto. LOL), si Trixie, at si Stephen. Mukhang tulog-mantika silang apat. Grabe, ganun ba sila napagod sa biyahe? Hm, kung sabagay, maaga nga pala akong natulog.

After 15 minutes, isa-isa na silang nagsibabaan. Nauna si Stephen, then Kuya George, Joel, Trixie. Lahat sila, namangha sa mga nakahain sa mesa.

"Sinong nagluto nito?" tanong ni Joel sabay turo sa sinigang.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon