Chapter 34: Sorry, and Congrats [Part 3]

351 17 0
                                    

Chapter 34: Sorry, and Congrats [Part 3]

Michael's point of view:

Alas-otso na ata nakauwi ang mga kaibigan namin ni Justin. Hinatid namin sila sa main road dahil gabi na rin. Isa pa, susunduin daw sila (except kay Jake) ng Kuya Clarence ni Clay.

"Pakisabi na lang kay Justin, nauna na kami ah?" ani Joel. Nakakatuwa talaga ito. Puro biro, kaya sumasakit ang tiyan namin sa kakatawa.

"Noted. O, una na kami ni Kuya George ah?" paalam ko sa kanya. Dadaanan pa kasi namin si Justin sa kanila eh. Napapayag ko rin siya sa wakas na mag-sleep over sa amin.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa kalye nila. Sinabi ko na lang kay Kuya George na hintayin kami sa kanto. Hassle kasi kung ipapasok pa niya yung van. Nadaanan ko pa si Adrian sa tindahan malapit sa kanila at mukhang tulala. Kahit hindi naman kami gaanong close ay mabuti naman ang pakikitungo niya sa akin. Aaminin ko, nakaramdam ako ng inis sa kanya dahil sa ginawa niya kay Justin. Then, na-realize ko na pareho pala silang biktima ng sitwasyon.

"M-Michael."

Napahinto ako nang tawagin niya ako. Lilingon ba ako o hindi?

Sa huli, nagawa ko na ring lumingon.

"B-Bakit?" untag ko. Saglit akong napahinto nun at hinarap siya.

"A-Ah.. uhm, wala. Long time no see ah?" Nadismaya naman ako roon. Bakit kaya ayaw niyang magpakatotoo?

Tumango na lang ako at nagpaalam na. Kailangan ko pang sunduin si Justin sa kanila. Pinapapasok pa ako ni Tita pero humindi na ako. Nakakahiya naman kung papasok pa ako gayong 'di naman kami magtatagal. Ganun pa rin ang pakikitungo nila sa akin. Para talaga akong miyembro ng pamilya. Hay, namiss ko bigla si Mama at Papa.

"Huy! Tulala ka na naman diyan?" Napapitlag ako. Ikaw ba naman ang gulatin nang ganun?

Napakamot na lang ako ng ulo. "May naalala lang. Tara na?" palusot ko.

Wala naman siyang sinabi at naglakad na palabas. Nasalubog namin ulit si Adrian sa tindahan pero dinaanan lang siya ni Justin. Ako nama'y nag-wave lang bago tuluyang tumalikod.

***

Justin's point of view:

Nakakaewan talaga itong si Michael. Bigla ba naman akong niyayang matulog sa kanila? Buti na lang, pumayag si Mama.

"Michael, Justin, kumain muna kayo," tawag sa amin ni Yaya Maria. Nasa gazebo kasi kami ni Michael at nagmumuni-muni muna.

"Sige po," ani Michael. Tumango naman si Yaya saka pumasok na ulit.

Tumingin ulit ako sa mga christmas lights na nakapalibot sa gazebo. Sa totoo lang, nakakatuwa ang pagkutitap ng mga ito. Hindi na nga maitatanggi, malapit na ang pasko.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon