Chapter 41: Graduation

285 11 0
                                    

Chapter 41: Graduation

Justin's point of view:

Mabilis lang na lumipas ang buwan at ngayon nga'y  last week na ng Marso. Ngayon ngang araw na ito ay announcement na ng mga nakapasok sa top ten -- both Special Science Class at Regular section. Hindi naman ako umaasa na makakapasok roon kasi nga, usually, nasa 1A ang nakakapasok doon.

"Sana, may makapasok sa section natin sa top ten," bulong ni Bryan sa akin. Magkatabi kasi kami ngayon. Late kasi si Adrian kaya siya ang katabi ko.

"Sana nga," bulong ko rin.

Maya-maya pa'y nanahimik na kami. Nasa stage na kasi yung mag-a-announce ng mga kasama sa top ten at mga nakakuha ng special awards. Nakakahiya naman kung maingay kami, 'di ba? Wala akong ganang makinig noong mga oras na iyon dahil ang ingay nina Clay at Gabby. Mukhang may usapang babae silang dalawa. Nga pala, mayroon na kaming mutual understanding dalawa. We also decided na huwag munang pumasok sa relasyon. Bakit? We just want to focus muna sa pag-aaral namin, lalo't magkaiba ang kukunin naming course sa kolehiyo. And speaking kolehiyo, after graduation namin napagdesisyunang mag-walk in. Isa pa, pare-parehas kami ng preferred university -- sa university nina Michael.

Naannounce na ni Ma'am ang mga top ten sa SSC. Nasabi na rin niya noong mga oras na iyon ang mga nakakuha sa kanila ng special awards at ang oras ng graduation nila -- which is umaga. Kasama nila ang ibang section. Obviously, hapon naman ang sa top ten ng regular. Kasama sa afternoon graduation ang section namin, sad to say.

"For this year's top ten sa regular section, nagkaroon ng kaunting pagbabago. Alam naman natin na usually, puro galing sa 1A ang nakakapasok doon, right?" Nagtanguan kami. "Well, mayroong tatlong estudyante na galing sa 1B ang nakapasok rito ngayon."

Napanganga kami roon. Wow lang ha. Sinu-sino kaya sa mga kaklase namin ang nakapasok. Mamaya pa lang kasi ia-announce ni Ma'am ang top ten sa section namin.

"For this year's first honorable mention, Ms. Clay Ruby Alonzo from 1B. She has a GWA of 90.70%," anunsyo niya.

Wow. Ang galing ni Clay! Napahawak pa ako sa kamay niya noong mga oras na iyon. Masaya lang ako para sa kanya.

"Congrats, Clay!" ani ko.

"Salamat, Justin. Punta lang ako roon ah?"

Nagpatuloy ang announcement ni Ma'am. This time, third honorable mention na ang inaanunsyo.

"Third honorable mention.. hmm? Feeling ko, kilala ninyo ito. Mr. Justin Rodriguez! With a GWA of 90.05%."

Napantig ang tenga ko sa anunsyong iyon. Grabe, hindi ba ako nabibingi?

"Huy, Justin! Punta ka na sa harap!" Bigla naman akong nahiya kaya tumayo na ako. Grabe, speechless ako sa nalaman ko.

"Next is fourth honorable mention and also, galing siya sa 1B. With a GWA of 89.95%, Mr. Carl Mendez."

Natahimik ang mga kaklase namin nang tawagin ang pangalan niya. Wala ni isa man ang nagtangkang kamayan siya. Ang alam ko, marami ang galit sa kanya sa section namin. Halos lahat pala ay may kanya-kanyang issue sa kanya. Well, hindi ko rin naman sila masisisi. Ako nga, nabugbog at napagdiskitahan na niya e. Pero, kahit na ganoon, nagawa ko pa ring pumalakpak para sa kanya. Deserved naman siya sa rank na iyon e, although tila nasobrahan lang siya sa pagiging competitive. Nakisunod na rin ang mga kaklase namin at pinalakpakan na rin siya.

Nadagdagan pa ang tuwa ko dahil ako ang Best in Social Studies sa amin, habang si Clay naman ang naging Best in Physics. Si Carl naman ay mayroong special award dahil naipasa niya ang training program sa TLE nila. Matapos niyon ay bumalik na kami sa home room namin para sa awarding ng top ten para sa section namin. Alam kong tuwang-tuwa noong mga oras na iyon si Ma'am Buenaventura sa amin. Naisipan ko na ring magpasalamat sa kanya, since siya nga ang teacher namin sa Social Studies.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon