Chapter 24: Trust Issues [Part 2]

556 39 7
                                    

Chapter 24: Trust Issues [Part 2]

 

Justin's point of view:

From: Adrian

MAG-UUSAP TAYO MAMAYA!

Nanlaki ang mata ko sa natanggap kong mensahe galing kay Adrian. Anyare? I mean, ba't parang may pakiramdam ako na may mangyayaring masama mamaya? Para kasing pagalit ang istilo ng pagkaka-text niya e.

Tutal at maaga pa naman, naupo muna ako sa kama at nag-reply sa kanya.

To: Adrian

Ha? Bakit?

Naghintay ako ng limang minuto, pero hindi siya nag-reply. Ano kayang problema ng tao na yun?

Nagpasya na akong umalis ng bahay para pumasok. Isa pa, magbabaka-sakali akong makita siya sa bahay nila. Nakakalungkot lang dahil nakasara pa ang pinto nila. Marahil ay maaga siyang pumasok.

Nang makarating ay nagpunta na ako sa Computer Lab. Sakto naman at kararating lang din ni Sir, kaya nakisabay na ako. Mukhang napaaga talaga ako dito.

"O, mukhang excited ka sa pagpasok ah?" tanong pa ni Sir, habang binubuksan ang mga ilaw at aircon sa loob.

"Parang ganun na nga po, Sir," palusot ko. Nakukulangan pa kaya ako sa bakasyon!

Naupo naman ako sa working area ko para makigamit muna ng desktop. Pwede naman kasing mag-facebook dito. Bawal lang ang manood ng porn o anuman kalaswaan. LMAO. Joke lang. Habang nagko-computer, bigla na lang nag-ring ang cellphone ko -- tumatawag si Adrian.

"Hello? Nand--"

"Sa likod ng main building. Sa bandang greenhouse," dire-diretso niyang sabi. Hindi man lang niya pinatapos ang sinasabi ko.

"What time?"

"After ng TLE."

Agad niyang binaba ang tawag. Grabe, ang cold niya ngayon. Ano kayang problema niya?

After that, hindi na ako nakapag-concentrate nang maayos. Hindi rin pumasok sa CWT subject si Adrian. Mukhang nandun lang siya sa green house. Ugh, hindi ako mapakali.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin, agad na akong dumiretso sa green house. Pinadala ko naman kay Bryan ang bag ko. Hindi naman siguro kami magtatagal dun, 'di ba?

Tama nga ako. Nandun nga si Adrian, nakatalikod at mukhang nakatingin sa malayo. Napansin ko rin na closed fists siya. Naku, mukhang may nakaaway ang isang ito.

"Adrian." Tinawag ko na siya. Kaming dalawa lang ang nandito. Wala naman kasing mga estudyante na nagagawi rito e.

Hindi siya lumingon sa akin. In fact, hindi man lang siya natinag mula sa orihinal niyang posisyon. Sinubukan kong lumapit. Wala kasi talaga akong ideya sa mga nangyayari ngayon e.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon